FOUR

3.7K 106 18
                                    

Ngayon ang huling araw na magluluto ako kay Juaquin at ito rin ang araw na balak kong ipagtapat ang aking pag-ibig sa kanya. I've been practicing this confession ever since the first time I saw him but, I'm feeling very nervous now that it's happening.



Tinitingnan ko sa salamin ang aking sarili pagkatapos kong magbihis. Nagpulbos ako, nagsuklay at halos ipaligo ko na ang pabango. Napangiti ako nang makitang presentable na ang itsura ko.



Dali-dali akong bumaba ng hagdan at nakita ko si papa na nagluluto ng almusal. Nakatalikod siya sa akin kaya mabagal ang aking mga hakbang para siya'y gulatin. Hindi ko iyon natuloy nang bigla siyang humarap sa akin.



"Anak, baka ubos na ang pabango mo na kakabili ko lang nung nakaraan." he said while sniffing on my uniform.



I touched my nape. "Hindi naman po, papa. Mayroon pa namang natira na konting-konti nalang." pagbibiro ko sa kanya.



Biglang sumeryoso ang mukha ni papa nang mapansin ang braso ko. "A-Anak, parang mas pumayat ka yata? Kumakain ka ba ng maayos? Kulang ba ang allowance na binibigay ko?" sunod-sunod niyang mga tanong.



Nasamid ako sa pagkain nung marinig ko yun. "Papa, relax. Kumakain ako nang maayos." I flexed my thin arm to show him my invisible muscle.



Nang matapos kaming kumain ng almusal ay ako na ang naghugas ng pinggan dahil maaga pa naman. Hindi pa man ako nangangalahati sa paghuhugas ay pinawisan na ako agad. Marahil ay dahil sa mainit na panahon kaya ako mabilis makaramdam ng pagod.



"Bye, papa!" paalam ko sa kanya bago lumabas ng pinto.



Ngumiti naman siya ng matamis. "Ingat ka, anak!"



Hindi pa ako nakakalabas ng pinto nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. I felt dizzy for some reason so I massaged my temple. Napahawak ako sa pinto nang biglang simikip ang aking dibdib at mahirapan akong huminga.




"ANAK!!!" iyan ang sigaw ni papa bago ako mawalan ng malay.



I gently open my eyes when I heard the voice of my dad. Bumungad sa akin ang puting kisame at rosaryo na nakasabit sa may dingding. I turned my face to dad and saw that he's speaking with an old doctor.



"I'm sorry, Mr. Fajardo but we don't have an available donor yet." that's the doctor said to my dad.



Lumuhod ang papa ko sa doktor na nagsabi nun. "D-Doc, please tulungan niyo ang a-anak ko. Nagmamakaawa ako! Siya nalang yung meron ako."



Hinawakan ng doktor ang balikat ni papa at tinulungan siyang tumayo. "We will do our best, Mr. Fajardo but please brace yourself for what's about to happen."



That day, is the day I found out that I'm suffering from an End Stage Congestive Heart Failure and I only have 3 months left.



Pagkabigla, lungkot at kaba. Iyan ang aking naramdaman. Umiiyak si papa habang hawak ang dalawa kong payat na kamay. Inalis ko iyon sa pagkakahawak niya at pinunasan ang kanyang mga luha habang nakangiti.



"A-Anak, sabi ng doktor dito ka na sa ospital mananatili habang naghahanap sila ng available donor. Gagaling ka pa, anak. Gagawa si papa ng paraan." my dad assured me.



I shook my head in disagree. "P-Papa, ayaw ko pong mag-stay dito. Gusto ko pong mag-aral."




My dad sighed. "A-Anak, kailangan mong tumigil muna sa pag-aaral para sa kalusugan mo. Gusto mo ba pumunta tayong ibang bansa? Nasabi mo sa akin noon na gusto mong pumunta sa Japan para makita ang cherry blossoms at Mount Fuji."




Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now