•CHAPTER 3

9K 106 22
                                    

"Miss boss.....wake up, andito na tayo". Napamulat ako ng may mahinang tumatapik sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko ay nakasalubong ko ang itim na itim na Mata ni Butler Seian. Agad kong iniwas ang tingin ko, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pagkailang.

Mukhang napansin niya naman iyon at lumayo ng kaunti.

"You're father is waiting outside Miss boss..". Napatingin naman ako sa nakabukas na pinto ng plane. Nakita ko si Papa na kausap ang doctor ko. Kailangang sumama ng private doctor ko dahil gusto ni Papa na sya mismo ang mag opera sa akin.

Nakatulog pala ako at hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami. Bumalik na naman ako sa lugar kung saan hindi ko inaasahang babalikan ko pa.

Tumayo na ako, agad-agad naman akong inalalayan ni Butler Seian. Mukhang napansin ni Papa at ni Doc na gising na ako, kaya agad-agad din silang pumunta sa gawi ko at sabay-sabay akong tinulungan.

Ng makatayo na ako at hahakbang na sana pababa ng plane ng may naalala ako..

Kamusta na kaya sya? Sigurado ako ngayong oras papasok na yun sa trabaho. Umaga na dahil na din sa hapon na kami umalis.

Sana naman kumain muna sya, hindi pa din naman yun marunong magtali ng neck tie niya. Haist.

"Anak?". Napabaling ang atensyon ko kay Papa dahil sa pagtawag niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Marahil nag aalala sila dahil baka sumasakit na naman ang puso ko. Well masakit naman talaga sya, hindi dahil Lang sa sakit ko kundi sa pag iisip sa taong Mahal ko.

I miss you Drake........so much.

Agad nila akong ipinasok sa kotse. Humiwalay ng sasakyan si Papa dahil may dadaanan pa daw sya. Kasama ko naman si Doc at Butler Seian, kaya alam kong ligtas pa din ako. Mas pinilit kong alisin na lamang muna sa isip ko Drake, dahil baka hindi na ako abutan ng bukas.

Pag gumaling na ako. At hindi niya ako hinanap, ako mismo ang babalik.

"Okay na po ba kayo dyan Miss boss?". Napatango naman ako sa tanong ni Butler Seian. Nakaupo sya sa harapan dahil sya mismo ang magdadrive. Ako naman ay nasa likod.

Hindi pa nakapasok si Doc dahil may inaayos pa siya na gamit sa likod. Matagal ko na siyang Doctor, balita ko ay wala padin siyang asawa. Mga ilang minuto lang ay pumasok na din sya, umupo sya sa front seat, sa tabi ni Butler Seian. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil mas pinipiling iba ang isipin ng utak ko.

Nauna na si Papa. Akmang ihihiga ko ang sarili ko sa upuan dahil na aadjust naman Ito ng biglang dumukwang sa akin mula sa harap si Doc.

"Let me help you". Nakangiti niyang saad. Mabait naman si Doc hindi din nagkakalayo ang edad namin. Hindi ako pumayag na tulungan niya ako, dahil mahirap iyun, nasa likod ako at nasa harap sya malayo para abutin. Total Kaya ko naman.

Pero matigas din ang ulo niya at mas tinulungan ako. Maya maya lang ay pinipilit niyang abutin ang nasa ibaba ng upuan ko. May bottons doon, nahihirapan syang abutin. Maayos na ang pwesto ko pero hindi ko alam at bakit may inaabot pa sya doon sa baba.

Akmang tutulungan ko na siya ng hindi sinasadyang umatras ang sandalan ng upuan na kinakapitan niya.....nabahala naman ako dahil masusubsob siya sa sahig mismo ng kotse.

Pero bago paman mangyari iyon ay nahila agad siya ni Butler Seian at ang ending nito ay......

Nalanding si Doc sa Lap ni Butler Seian...at nakakandong na  ngayon sa kandungan niya.

Magpapasalamat na din sana ako sa ginawa ni Butler Seian ng mapansin kong walang kibo silang dalawa habang nakatingin sa isat-isa. Napakunot ang noo ko dahil sa inaasta nila, nakaupo padin si Doc sa Lap ni Seian. Sisitahin ko na sana sila ng makita kong nagtataas-baba ang adams apple ni Butler Seian. Tanda na napapalunok siya. Nanatili akong nakatitig sa kanila habang may lumalarong kalukuhang scenario sa isipan ko.

Unwanted BrideWhere stories live. Discover now