•CHAPTER 6

6.9K 81 1
                                    

* Third Person POV*

Mahimbing na natutulog ang pasyenteng si Claire, habang may namumuong scenario na nasa kanyang panaginip.

SA malawak na buhanginan sa tabi ng dagat ay naglalaro ang isang batang babae na nasa edad walong taon. Namumulot Ito ng mga mumunting bato at itatapon sa dagat.

"Ohhmyghadd I didn't tell my daddy that I'm here!".

Biglang sabi ng bata dahil sa naisip. Nag-aalala na baka magalit at mag-alala ng husto ang ama niya. Umalis kasi ito ng hindi nagpapaalam dahil na din sa tulog ang ama.

Nilagay naman ng batang babae ang kamay niya sa ilalim ng kanyang bibig at tumingin sa taas na akala mo ay may malalim na iniisip.

"WAAAAAAAHHHH!! I don't care, I want to play!!". Tili naman ng batang babae at ipinagpatuloy ang paglalaro ng mga bato na itinatapon niya Lang din naman sa dagat. Humahagikhik pa ito habang masayang naglalaro.

Samantalang hindi nito napansin ang isang batang lalaki na lumalapit na sa kanya.

"Hey". Pag-aagaw pansin ng batang lalaki dito.

Nagulat naman ang batang babae ng humarap siya dito.

"Who are you?". Tanong nito.

Ngumiti naman ang Bata.

"My name is Drake but you can call me Dreydrey". Masayang sagot naman nito.

Mukhang magaan ang loob ng batang babae dito dahil hindi siya nakaramdam ng kaba.

"Hello Dreydrey, my name is Claire but you can call me Rere!". Masayang saad din niya.

MULA noon ay naging malapit sila sa isat-isa. Dahil na din sa parehas sila ng Lugar na tinitirahan at palagi silang nagkikita.

Nasa elementarya na sila at palagi silang magkasama dahil magkaklase sila, palagi silang nagkukulitan at nag-aasaran. Masayang-masaya si Claire dahil naging kaibigan niya si Dreydrey.
Hanggang sa tumuntong sila ng High school at doon ay nakilala niya ang bagong kaibigan na si Joy. Naging magkakilala nadin sila Joy at Drake dahil pinakilala niya Ito sa isat-isa.

Second year Junior high school sila at mas naging matatag ang pagkakaibigan nila ni Joy at Drake. Pero bigla na lamang umalis si Joy at sinabing sa Manila na Ito tutuloy sa pag-aaral.

Nalungkot si Claire dahil umalis ang isa niyang kaibigan. Pero hindi padin nawala ang communication nila ni Joy dahil nag vvideo call Ito at tumatawag. Masaya naman siya at naandyan padin si Drake na hindi Lang kaibigan ang Turing niya kundi sobra pa.

Fourth year Junior high school. Masaya ang lahat dahil sa graduation na nila. Ngunit hindi ang dalawang Bata na umiiyak sa likod ng garden.

"Bakit kailangan mo pumunta manila dreydrey?". Iyak na Tanong ni Claire.

"Rere hindi ko mapipigilan si Papa". Malungkot at naiiyak din na saad nito.

Hinawakan niya si Claire sa magkabilang pisnge at hinalikan sa noo.

"Babalik ako Rere at ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko at ako Lang din ang lalaking pakakasalan mo". Saad nito. Bago tuluyang iniwan na umiiyak si claire.

Ngunit pinanghahawakan ang huling sinabi ng lalaking Mahal niya.

LM

Unwanted BrideWhere stories live. Discover now