CHAPTER 29

5.6K 134 13
                                    


Pagkatapos naming kumain ay siya na din ang nagligpit ng pinagkainan, naghintay nalang ako sa sala para palipasin ang oras. Napag isip-isip ko kong ano ba ang pwedeng mangyari ngayong araw at kung ano ba ang pag uusapan namin. At kapag tinanggihan ko naman yun ay baka sabihin niya pang umiiwas ako sa kanya.

Napailing ako. As i say, past is past. Kahit kailan hindi ko gustong iugnay at ibalik ang nakaraan sa kasalukuyan.

Pass just teach me some lesson na magagamit ko para sa future. Pero hindi din naman maiiwasan na maibabalik muli ang nakaraan. Pero kung hindi kana apektado ay walang magiging problema, at masasabi ko namang hindi na ako apektado. Halos wala na siyang epekto sa akin, pero nasasaktan pa din ako na nakaranas ako ng masasakit na bagay sa taong hindi naman worth it para saktan ako.

Sumandal ako sa sofa at napag isipang buksan ang tv at saktong mukha ko naman ang naka plastar doon.
It's a news about my photoshoot to Drake company. Naipalabas na pala 'yun.

"The Victoria's Secret model Claire Santilian is now a model of Clake Company which is owned by a hottest and powerful business tycoon Drake Ryuski Villamore."

Tutok na tutok ako sa tv lalo na ng flinash doon ang mukha ko at ang mukha ni Drake.

"She's so gorgeous and stunning on her photoshoot, the Clake Company is a newly opened company for the production of flowers, and how lucky would it be? The famous Claire Santillian is their model and representative. No wonder the Company is now famous."

Napangiti ako ng ipakita doon ang ibat-ibang kuha ko, ang ganda-ganda ko. Napakita din doon na mayroon na itong magazine at ako ang front cover habang nakatitle naman sa itaas ang pangalan ng kompanya. Napakita din sa tv ang mga taong nais bumili ng mga products.

"The first ever flower company in the world is now making its name worldwide. At paano nga ba ito hindi tatangkilikin? Mula sa magandang bulaklak at products ay pinapangunahan pa ito ng isang handsome and hottest man at isang sikat na sikat na model sa buong mundo!"

Nanatili akong nakikinig sa sinasabi ng reporter. Pero biglang napatikwas ang kilay ko sa sunod na sinabi nito.

"But there's a humor na dati umanong asawa ni Drake Villamore itong si Claire Santillian. Pero hindi pa naman ito sigurado at isa pa kung naging sila man noon ay siguradong suporta pa din ang makukuha nila ngayon dahil hindi naman lingid sa mga kaalaman natin na perfect match na silang dalawa."

"But the problem is humor pa lang naman ito and based sa nakikita natin sa paglalabas labas ni Miss. Claire ay lagi itong may kasamang lalaki."

Ang chismosa naman ng reporter na ito. Magkakaroon lang ng dahilan ang iba para mang ungkat pa! At isa pa, sino naman ang nagpakalat ng humor na yun? And....

"Hindi ba nila alam na may asawat anak na si Drake?"

"What are you watching?"

Agad kong pinatay ang tv ng marinig ang boses ni Chase sa kusina, papunta na siya ngayon sa akin.

"U-uhm, news?.." alanganing sagot ko.

Ng nakarating siya sa harap ko ay umupo siya sa tabi ko bago ako hinigit at pinasandal sa balikat niya.

"Sigurado ka bang kaya mo na?" pinakiramdaman ko ang sarili ko.

"H-hindi naman na gaanong masakit.."

"How about your body?" napailing ako.

Unwanted BrideWhere stories live. Discover now