CHAPTER 20

5.7K 82 1
                                    

"D-drake.." Nanghihinang saad ko ng tuluyang luminaw sa akin ang lahat.

Si Drake ang kaharap ko ngayon ang dati kong asawa.

"Got yah! You're not dead you still remember me." Mabilis akong napalunok, mali ang nasabi ko dapat pala ay nag akto akong hindi siya kilala dahil ang pagkakaalam niya at patay na ako. Ang pagkakaalam nila ay patay na ako.

"I'm glad to see you here in my company The most aces model of Victoria's Secret." Tila nanlamig ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Creepy.

Mukhang hindi ko na nga kayang magpaliwanag o magdahilan na hindi ako yung iniisip niyang si Claire o yung dati niyang asawa dahil mukhang alam niya na noon pa na peke ang pagkamatay ko.

Biglang may sumikdo sa loob ko ng maisip na hindi niya man lang ako hinanap kung alam niya pa noon na hindi talaga ako patay. Lihim akong napangiti ng mapait.

Wala na naman akong pakealam sa lahat kagaya ng sabi ko ang nakaraan ay nakaraan at hindi na pwedeng balikan.

Taas noo ko siyang hinarap at ngumiti. Hindi na ako yung dati, malaki na ang pinagbago ko.

"Good morning Sir." Matamis kong saad.

Ang pagkakamali ko ay ang hindi inalam kung sino ang may ari ng kompanyang ito.

"Sit." Itinuro niya ang upuang nasa harapan niya, simpleng naglakad ako papunta doon at maayos na umupo.

Thought that ngayon ko pa siya nakita ng biglaan ay hindi maiaalis ang kaba at pagkabigla ko kaya siguro ganun nalang ang nararamdaman ko kanina papunta palang dito sa office niya. Pero pilit kong ikinubli ang nararamdaman na iyon. Wala na siyang epekto sakin.

Plus...may pamilya na siya.

"Nagulat lang ako at ikaw ang may-ari nito." Mahina naman siyang tumawa habang nakatingin sa akin, nailang ako sa paraan ng titig niya dahil tila kinakabisado niya ang pagmumukha ko.


"Yeah...I didn't expect this too." Ohh talaga ba? Gusto ko sanang itanong sa kanya yun, posibleng hindi niya alam na ako yung mag eendorse sa komapanya nila.


"How are you this time?" Saad na tanong niya.

"I'm fine and doing good now." Mabilis ko namang saad. Hindi na ako nag abalang ibalik ang tanong sa kanya dahil wala naman akong pakealam

Gusto kong umatras nalang dito pero ayukong ma disappoint sakin si Manager.

Napatango tango naman siya at bahagyang kumibot ang mga labi. "Are you single?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"I'm am but i have my Chase." Hindi ko din alam kung bakit ko pa naisagot ang ganoon. Siguradong atat na iyong isang yun na sumunod.

Napataas din ang kilay niya at napaayos siya ng upo. "Okay so bukas ka magsstart, hindi kaba aatras?" Pag iibang saad niya na tila may iniiwasan. Siguro din iniisip niya na aatras ako at duwag dahil lang siya yung boss.

"Wala akong balak umatras, I don't want to disappoint my Manager and yes I'm ready for tomorrow." Pagkatapos ng sagot ko ay inabot siya sa aking isang papel.

"That's the contract, you need to sign that before working tomorrow, and I'll be there too." Hindi ko na pinansin ang huling sagot niya, pinirmahan ko nalang Ito dahil ganun talaga, kailangan may pipirmahan kang contract bago ka magshoot.

Dito lang din daw iyon gaganapin.

"Except for endorsing our flowers, you need to endorse our products too, like cologne's and beauty products." Napatango tango naman ako.

Unwanted BrideWhere stories live. Discover now