CHAPTER 8

7.1K 94 1
                                    

"DOC!! DOC!! DOC!!" Agad na natatarantang tawag ni Almeia kay Doctor Radley dahil nakita nitong gumagalaw ang mata ng pasyenteng si Claire, mula sa limang araw na hindi pagkakagising matapos ang operasyon.

Agad na pumasok ang doctor ngunit nakipagtalo pa muna ito sa isang malaking tao.

"Ano ba Seian! Sabing bawal ka nga pumasok!!". Naiinis na sigaw nito.

Dumilim naman ang tingin sa kanya ng tinatawag niyang Seian.

"Why can't i come in?!". Inis din na saad nito.

"Ichecheck ko pa ang vitals niya, mas mabuti pang tawagan mo ang amo mo!". Saad nito dahil kanina pa ito nangungulit sa kanya o magandang sabihin na nakaraang araw pa.

Kumunot ang noo nito.

"No!".

Napahilamos naman sa mukha ang doctor dahil hindi bagay sa posisyon nito ang pagiging Butler dahil sa pinapakitang ugali.

"Dyan ka lang." Madiin na saad nito at sinarahan ng pinto ang lalaki.

Nagpupuyos naman Ito ng galit dahil talagang walang galang sa kanya ang Doctor Radley na iyon. Tinawagan na lamang niya ang amo dahil natutuwa siya at magigising na din sa wakas si Claire.

"Check her vitals, magigising na sya". Agad na saad ni Doc Radley kay Almeia.

"All normal Doc". Saad nito pagkatapos icheck si Claire.

Maya-maya lang ay nakita nilang minumulat na nito ang kanyang mga
magagandang mata.

* Claire POV *

Naramdaman ko ang mga mumunting galaw at mumunting tinig na naririnig ko. I slowly open my eyes, hanggang sa nakita ko ang isang babae sa aking unahan, she's a nurse I think?. At katabi nito ang isang doctor na kilalang-kilala ko. Doc.Radley.

"Claire, I'm glad you're awake". Rinig kong saad nito habang nilapitan ako. Inikot ko naman ang tingin ko. Nasa hospital ako. Nauuhaw din ako at nararamdaman ko ang sakit sa bandang dibdib ko.

Ng biglang bumukas ang pinto Kaya napabaling ang tingin ko Doon.

Napangiti ako dahil nakita kong si Papa ang pumasok na humahangos pa kasunod si Butler Seian na Nakangiti din.

"ANAKKK!! MAHAL MO PA BA SI DRAKE?!!". Nagulat naman ako dahil sa imbis na kamustahin niya ako dahil nanghihina pa ako ay iyon pa ang naging bungad niya.

Drake? Siya ang ex-husband ko na kabit ang ex-bestfriend ko, right?

Kilala ko siya, kilalang-kilala pero ng isip ko na lamang at hindi ang...

Puso ko.

" Ohh godd! Thank you...". Naguguluhan ako kay Papa. Mukhang hindi lang ang paggising ko ang ikinatutuwa niya.

"Antagal mong nagising anak...akala ko ay mawawala kana din sa akin". Saad nito tsaka niya ako hinalikan sa noo. Kami nalang dito ngayon ni Papa sa kwarto, dahil matapos kaninang sabihin ni Papa na kailangan kaming maiwan dalawa ay umalis sila. Mga ilang oras na din ang nakalilipas.

Ngumiti naman ako. "I'm now okay Pa, my weak heart is gone". Nakangiti kong saad dito na mas ikinangiti niya.

Nararamdaman ko ang kirot sa bandang dibdib ko dahil nadin siguro sa tahi nito. Sobra ang pasasalamat ko kay Doc. Radley kanina dahil naging successful ang Operation ko dahil sa kanya at syempre sa donor.

"Mamaya kapa daw pwedeng kumain anak...at bawal kang biglain". Pag-papaalala niya.

Tumango naman ako at pinikit ang mga mata. I think I missed someone. That I can't explain.

Unwanted Brideजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें