Chapter 13

23 10 0
                                    

Kevron Blake POV

"What are you thinking?" I asked.

We're here at the back of our school building. Naguguluhan ako sa pinapakita niya. Kaya dinala ko siya dito para at least makausap ng maayos. But she's been acting strange since earlier.

Buong lakas niyang binawi ang braso niya. I took a heavy sighed.

Is she mad? Pero bakit siya pa ang may lakas ng loob magalit? It's supposed to be me, right? Since, alam niyang ako dapat ang samahan niya kesa kay Henarez. Tama naman ako 'di ba?

Napakunot ang noo ko sa naisip. What the hell did you say blake? Damn, Erase that!

"Anong ginagawa natin dito?" She asked being unbothered. I can't even take a look in her eyes. It's cold.

"Ako ang unang nagtanong."

"Bakit ba? Para saan ba iyang tanong mo?" Nahihimigan ko ang irita sa boses niya.

"I was just curious, I want to know your reason why do you want to quit this now." Yeah right, I was just curious about her sudden decision.

Ang totoo nga niyan ay mas natuwa pa ang utak ko, wala ng sagabal. If she's really serious about quitting then I will be free from anyone.

"Wala! Gusto ko lang tapusin itong laro na 'to." Nagulat ako sa pagkaka-seryoso niya.

Wala naman akong maalalang nagkaroon kami ng problema? Ang alin ba? Yung sa bar? Or baka natauhan na siya sa sinabi ko? Yung kanina?

"Game? So hindi mo pala sineseryoso ang pagbabantay sa akin?" Napataas ang kilay ko. Naaapektuhan ba ako? Hindi ba dapat matuwa ako dahil parehas lang kaming napilitan?

"Seryosohin? Ilan taon kana ba? 5 years old? 6, 7 years old?" Natatawang aniya. "Kung makapagsalita ka naman na seseryosohin parang may nagbabanta sa buhay mo. Hello, Mr. Judgemental! Kayang kaya mo nga ang sarili mo!" Padagdag pa niya.

Mr. What? Judgemental?

"Judgemental.. Who?"  I asked, Is it me? Kailan pa ako naging judgemental?

"Who? You!" Tinuro niya ako ng may nanlalaking mata at tsaka siya bumulong bulong. "Kala mo naman kung sino, baka nga mas malala pa siya sakin. Pagkatapos akong sabihan ng masasakit na salita, aakto na parang wala siyang sinabi." Bubulong bulong niyang aniya pa.

"What's wrong? Is it beacuse of Henarez? Dahil ba sa sinabi ko kanina?" Tanong ko nang ma-gets ko na ang pinupunto niya.

Ano bang masama sa sinabi ko? Sinasabi ko lang naman ang nakikita ko.

"Maging sensitive ka naman, hindi lahat kayang tanggapin ang mga salita mo." She said with a death stare, umakyat ang lamig sa katawan ko.

Umalis siya sa harapan ko at dire-diretsong naglakad paakyat.

Ano ba kasing masama doon? Hindi ba totoo? Hindi naman niya boyfriend iyon para lingkis-lingkisan niya. Kahit pa bestfriend niya iyon, ang pangit pa rin tignan lalo na at may mga nakakakita sa kanila. Tss.

But why do I have to feel this? Bakit kailangan kong pakialaman yon? Do whatever she wants! I don't even care in the first place.

"Captain!" Habang naglalakad ay napalingon ako sa humahangos na si Jordan, ka-teammate ko sa basket.

"Oh?"

"Start na ng practice, ikaw nalang kulang." Tinanguan ko nalang ito.

"Sige, susunod ako."

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now