Chapter 15

25 8 1
                                    


Clinton Skuyler POV

Mabilis akong tumakbo papasok matapos sabihin ni Griffin 'yon. Halos mangilid ang mga luha ko sa nakikita ko kay Sandra habang nakahiga dito sa isa sa bed ng Clinic. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at tumayo sa tabi ng kama.

I'm sorry, hindi ko alam.. Hindi ko alam na may allergy ka sa pagkaing inalok ko.

Kung alam ko lang, hindi na sana kita pinilit kumain ng Ice cream na 'yon. Alam ko kasing favorite mo ang chocolate, pero hindi ko alam na..

Napayuko ako kasabay ng panlulumo. Blake is right, I'm such an asshole. Gago ako para hayaang mangyari ito dahil sa akin, dahil mismo sa kapabayaan ko. And now..

How can I face her after this? Ayokong magalit siya sa akin. Ayokong magkaroon siya ng dahilan para layuan ako.

Maingat akong umupo sa kama sa tabi niya. I can still see the pain in her face while sleeping. Her face is all red even her some parts of her body.

Hindi ko alam ang gagawin ko, I-I'm just too n-nervous..

"I'm sorry.." Mahinang aniya ko kahit hindi niya ako naririnig.

Maingat kong hinawi ang mga konting buhok na nakatakob sa mukha niya. She's too beautiful, I'm lucky to have her and the same time unlucky for not having her as I want to be.

Saglit ko pa itong tinitigan. Wait for me sandra, wait until I finally moved on from my past. I will court you, I will love you endlessly even if it takes our friendship.

"Kev.." Natigilan ako ng ilang sandali sa narinig.

Kev? Who is that guy? Is he calling for Griffin? I think his name start with Kevron something. And why is she calling him? Napakuyom ang kamao ko. Bakit, Sandra? Are you falling for him?

"K-kev.."

Hindi ako makagalaw habang nakatitig lang sa mukha niya habang tinatawag ang pangalan ng lalaki na 'yon, Maya maya pa ay kumalma na ito. I release a heavy sighed.

Hindi ako tanga para hindi makitang may gusto si Griffin sa kaibigan ko, kahit pa ideny niya pa sa mismong mukha ko ay hindi ako maniniwala. I'm also a guy of course I know it. Ang tarantadong iyon, sinasamantala ang nangyayari sa kanila.

Hindi ako papayag na makuha niya sa akin ang kaibigan ko. Ngayon pa kung kailan handa na akong harapin ang nararamdaman ko para kay Cassandra? No fvking way.



***

Cassandra POV

Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko may kung anong bagay ang nagpipigil sa akin para hindi gumalaw. Pilitin ko man ay walang talab ang kagustuhan ko.

Kanina lamang ay madilim ngunit agad ring nagliwanag nang may bumukas sa harap ko. Nakita ko ang isang batang lalak, maputi, itim na itim ang buhok at may kasingkitan ang mata.

Nagtaka ako sa mukha nitong nag-aalala.

"Bakit dito ka nagtago?" Tanong niya. Nakatulala lang ako sa kanya.

Inilibot ko ang paligid ng likod niya at doon ko nakita na nasa loob pala ako ng isang Aparador. Anong ginagawa ko naman dito?

"Tara na! Daddy is gone now, we can continue our game." Sabay lahad niya ng kaniyang kamay habang masayang sinasabi iyon.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now