Chapter 2

77 16 1
                                    

Cassandra POV

"Bwisit na yan!" Naiinis na sigaw ko sabay sipa ng basurahan na malapit lang sa akin. Mukhang napalakas pa yata ang pag-sipa ko dahil natumba ito at nagkalat ang ibang laman.

Bakit ba kasi ang kapal ng mukha ng tukmol na yon? Sa tingin niya ba gustong gusto ko rin syang makasama? In his dreams! Never in my entire life and never in my gorgeous sexy body! Tse!

Akala mo naman gwapo siya sa paningin ko, kung ayaw niya akong kasama mas lalo naman ako no! Sino bang matutuwa kapag nakikita ang mga gagawin niyang puro kalokohan lang naman! Ako pa talaga ang gusto nilang bodyguard niya ha. Kung ganon pwede ko kaya syang batutain sa tuwing naiinis ako sa kaniya?

"Hoy babae! Nag-ditch ka ng class no?! Susumbong kita kay mama!" Biglang sulpot naman ng pinsan kong isa ring tukmol. Ang init init sa pinas pero tignan mo siya kung makalagay ng foundation sa mukha, hulas na hulas na girl!

"Anong nag ditch? kita mong wala pang first class! 3 minutes nalang first class na!" Singhal ko naman pagkatapos tignan ang orasan sa relo ko. Buti may 3 minutes pa.

"Eh bakit nandito ka? ang sabihin mo plano mo talagang mag-ditch pero salamat nalang sa pinakamagandang ako dahil nahuli kita! Nagkalat kapa dito!" Sagot din nito sa akin at pinuna pa ang mga basura sa lapag. Isama ko kaya 'to sa lilinisin?

"Bakit? Bawal bang pumunta dito? Ikaw? Bakit nandito ka?! Ikaw siguro ang madi-ditch ng class no!" Pagbabalik ko sa kaniya na ikinalaki pa ng mga mata niyang ang hahaba ng pilik mata dahil sa pekeng eyelashes.

"Hindi no! Wag mo nga akong itulad sayo! Bakit ba ako nakikipag-usap sayo? Hindi naman tayo close." Hindi talaga! Umalis itong iirap irap sa akin habang nalulukot naman ang mukha ko sa pagka-irita sa presensya niya.

Lalapitan ako tapos magtataka bakit ako kinakausap? Ang galing talaga ng mga tao ngayong araw. Meron pa bang lalapit sa akin ngayon na ubod na sama ng ugali? Sana last na sila, ayokong tuluyang masira ang araw ko ngayon.

Si Clinton ba yon?

Napatingin naman ako sa magisang naglalakad habang nakapamulsa at nakayuko. Oh? Saan naman ang punta ng isang ito? Huwag niyong sabihin siya ang magdi-ditch? Well, hindi naman malabo sa kaniya iyon since nagagawa naman na niya talaga ang mag cutting noon pa.

"Clinton!" Tawag ko pero hindi sya lumilingon. Aba? Nagdesisyon naman akong lumapit nalang sa kaniya at kausapin.

"Clinton? Bakit ayaw mo kong pansinin?" Tanong ko agad, bibihira naman kasi itong hindi mamansin. Kapag tinatawag ko naman siya, siya ang unang lalapit sa akin.

"Wala." Tanging sagot niya. Anong nangyari dito?

"Wala? Meron eh! Alam ko!" Pang aasar ko pero hindi man lang siya ngumiti o makatingin sa akin. May problema ba siya? Dapat ba hindi ko nalang siya nilapitan?

"Alam mo pala eh." Seryoso niyang tugon kaya nawala na rin ang ngisi sa labi ko.

"Ano bang problema mo Clinton? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi tama sayo?" Tanong ko agad sa kaniya. Ngunit hindi ako sinagot nito bagkus ay naglakad na siya paalis kaya sinundan ko siya para hawakan sa braso.

Ayoko sa lahat yung ganito eh. Yung wala kang idea tapos mararamdaman mong sayo talaga may problema yung tao pero aakto sila na wala pero meron talaga at ayaw lang aminin sayo dahil di ko alam kung bakit.

"Wala sandra. Lumayo ka muna sakin." Maya maya'y sagot niya sa akin habang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya at tsaka niya ako iniwan ng nakatanga habang nakatingin sa likod niya na naglalakad.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now