Chapter 3

55 14 1
                                    

Cassandra POV

"Sandraaaa! Jusko! Tanghali na naman at nakahilata ka pa rin dyan!" Ayan na naman si Auntie. Another day Another slay na naman ang boses niya sa buong bahay. Teka anong oras na ba? Hindi pa naman siguro ako late ano?

6:15? Tanghali?! tanghali na agad kay Auntie yon? Oh well, kung sa kaniya tanghali na sakin ang aga aga pa kaya! Hindi pa nga masyadong tirik na tirik yung araw oh. Ramdam ko pa rin yung lamig. Tsaka 7:30 pw ang pasok ko!

"Sandra! Bumangon kana dyan at pupunta pa akong palengke!" Biglang pasok ni Auntie sa kwarto ko. Ano? Walang kamay sa pagkatok. kalerkey itong si Auntie.

"Opo.." Walang gana kong sagot.

"Bilisan mo dyan ha!" Sigaw ni Auntie habang lumalabas na ng kwarto ko.

Walang gana naman akong tumayo at nagligpit ng higaan.

Paano ba naman kasi wala pa akong maisip na tamang desisyon! Papayag ba talaga ako sa offer sa'kin o hindi? Paano kung bumagsak pala ako nitong last quarter? Paano na scholarship ko? Teka nga, Sandra. Hindi mo naman hahayaang bumagsak ka 'di ba? Tama! Laban lan, Sandra! Kaya mo yan!

"Fighting! Fighting!" Sigaw ko habang sumusuntok sa hangin. Oh di ba ganyan ako kapursigido sa buhay.

"Kapag hindi mo talaga nilubayan si Blake tayo ang magfa-fighting!"

"Ay multo! Auntieee!" Sigaw ko ng biglang may pumasok na babae sa loob ng kwarto ko na puting puti ang mukha. Kahit na ang pinsan ko lang naman iyon na si Aubrey.

"Multo ka dyan?! Oa mo! Sa ganda kong 'to? Multo lang? Dito kaya na-inlove ang Darling Blake ko!" Sabi ng pinsan kong isa rin namang tukmol na clown. Aatakihin ata ako sa kaba nitong babaeng to eh!

At ano daw?

"Dyan? Sa mukhang yan? Dyan na-inlove si Blake?" Sarkastiko kong tanong.

"Oo! Bakit? Pinagdudu-dahan mo ba ang kagandahan ko?" Taas kilay niyang tanong na kitang kita na nababanat na ang balat niya sa mukha dahil sa nilagay niyang puti na ewan. Napangiwi naman ako, bat parang ako yung nasasaktan sa ginagawa niya?

"Hindi." Bagot kong sabi at tuloy tuloy na dumeretso sa cr para sa morning ritwal ko.

"Hoy babae! Bastos ka! Wala kang karapatan mag-walk out sa harap ko! Hindi pa tayo tapos!" Rinig kong sigaw niya ng isinara ko na ang pinto ng cr.

Nakaganti din ako sayo. Ano? ikaw lang may karapatan mag walk out? Rinig ko naman ang mga yabag niyang mabigat na nagmamadaling lumabas. Kala mo ha.

Pero balik muna tayo sa kinakaharap mo ngayon, Sandra! Ano na? Ano nang desisyon pipiliin mo? Kung papayag ako baka hindi na kumpleto katawan ko kapag umuwi ako galing school. Lalo na ngayon may nagawa akong hindi maganda sa kaniya, tiyak akong gaganti yon!

Iyon pa? Halata naman sa ugali niyon na kaya niya talagang manakit, tsaka kaya ko nga siya babantayan dahil bully siya! Jusko, ayokong maging next victim.

Nang matapos ang pag aayos ko sa cr ay dumiretso na ako sa carinderia. At ang dami palang nakapila!

"Pabili!"

"Tao po? Pabili nga po nito!"

"Isang order nga po sa gulay niyo!"

"Dalawang order po dun sa karne!"

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now