Chapter 6

41 12 0
                                    

Cassandra POV

"May paa ka naman diba?! Hindi ka naman pasyente para gawin ko yung mga inuutos mo na kaya mo naman!" Sigaw ko dito sa loob ng canteen na naka-agaw ng atensyon halos lahat ng mga nandito. Wala na, sirang sira na image ko!

Paano ba naman kasi uupo nalang basta sa table ng hindi pa nago-order tapos ako pa uutusan para sa pagkain niya. Malapit nakong mapuno dito sa tukmol na 'to. Pasalamat siya at puro reklamo lang ang ginagawa ko.

"Bakit ka pumayag sa gusto ni tita kung yan lang hindi mo pa magawa?" Sabi niya rin sa akin na magkasalubong na ang kilay. 

"Pumayag ako para bantayan ka! Hindi sumunod sayo! Ano ako? Slave mo? Ang galing mo naman." Sagot ko at humalukipkip habang hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ang kapal kapal talaga!

"Fuck!"

Mura niya at inihilamos ang mga kamay sa mukha niya. Problemadong problemado sakin? Dapat lang! Mas doble ang problema na nararamdaman ko kesa sa kaniya ah.

Nagtaka naman ako nang tumayo sya at dire-diretsong lumabas ng canteen, So ano? Pagkatapos niyang sayangin ang 5 minutes ko na dapat kumakain na ako eh aalisan niya lang ako? Aba. Kahit kailan talaga napaka tukmol niya! Siya na ang hari ng mga tukmol!

"Clinton! Wait lang pre!" Rinig kong sigaw ni Hanz kay Clinton ng makita kong palabas na rin ito ng canteen.

Kailan ko kaya makakausap ng maayos si Clinton? Yung usap na talagang magbibigay ng dahilan sa akin para putulin nalang ng ganon ganon lahat. Kasi kung tutuusin sobrang tagal na namin magkaibigan, simula ng maging high school ako dito sa school ay siya lang ang unang tao na kumilala sa 'kin bilang kaibigan.

Para sa katulad kong hindi naman mayaman at madalas pa na kina-iinisan ng lahat dahil sa mga matataas kong grades ay nahihirapan akong humanap ng totoong kaibigan. Kaya hindi niyo rin ako masisisi kung hindi ko rin siya kayang pakawalan.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi kaya hinihintay niya lang din ako na kausapin ulit siya? Hay ewan!

Nasa kumag na kasi ng mga tukmol ang oras at atensyon ko. Pisti naman kasi yon! Tignan niyo nga ginagawa sakin, inaalila na ako. Oo! sya sisisihin ko 'no! Wala naman akong ibang masisisi diba? Ba't ko sisisihin sarili ko? Oo nga pala sandra, Baka nakakalimutan mo? Pumayag ka sa kasunduan niyo ni Mrs. Sanchez. Ah basta! Kasalanan niya pa rin no!

Kailan ko kaya pwedeng makausap si Clinton?



***


Clinton POV

Masyado naman na ata yung blake na 'yon? Bakit ba kasi palaging kasama ni sandra yong lalaking yon? Eh mas gwapo pa nga ako dun.

Nakita kong lumabas siya ng canteen, So I followed him. It's been days since I found out that they're been together for I don't know reason. Simula din niyon ay nakikita ko ang mga ginagawa niya sa kaibigan ko.

"What's with you and Sandra?" I asked immediately. Nandito kami sa taas ng rooftop. Dito ko kasi sya nakitang dumiretso. Tumatambay rin pala ang gagong 'to dito?

"Why? Jealous? Who are you to ask that anyway?" He said while smirking. What? I'm not jealous! Seeing their relationship like that.. Sandra doesn't like him. She's not being like that when I'm with her.

"Just answer my question, Griffin." Saad ko.

"Eh ano naman sayo yun kung palagi kaming magkasama?" Lalo akong nainis sa isinagot nya. Bakit ba hindi nalang nya sagutin?

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now