Chapter 8

24 9 0
                                    

Cassandra POV 

"I.D, Miss." Harang sakin ng isang guard ng sinubukan kong pumasok kahit pa na naiilang ako sa mga tao. Alam ko naman na may guard dito, triny ko lang pumuslit dahil alam kong hindi niya ako papapasukin lalo pa at naka-uniform pa ako.

"Kailangan po ba yon?" Tanong ko sa kaniya. Hehe.

"Opo ma'am, tsaka bawal po ang mga students dito lalo na ang minor. Ilang taon kana ba?" Tanong niya na ikinakaba ko. Pwede naman siguro ako mag-sinungaling lord kahit now lang 'no? May susunduin lang akong tukmol.

"19 po.." Mahinang sambit ko, hindi ako makatingin sa mga mata niya ng sabihin niya yon.

Tumagal ang walang imik niya kaya naman pinagmasdan ko na ang tingin nito. Nakita kong sinusuri niya ang katawan ko at animo'y nalilito sa isinagot ko. Oo na kuya, maliit na ako! Huwag mo nang tignan!

"Sigurado ka, neng?" Napataas ang kilay ko at napangiwi ako nang tawagin niya akong ineng. 19 nga sabi ko! 19!

"Oo naman, kuya! Mukha ba akong nagsisinungaling? Tsaka naiwala ko ang ID ko pagpunta dito kaya wala ako maipapakita na pruweba na 19 na'ko! Papapasukin mo ba ako o hindi?" Nagmamatapang na sabi ko kahit na nai-intimidate na ako sa laki ng katawan ng nagbabantay na ito.

Hindi naman niya siguro ako basta basta ihahagis di ba?

"No ID, No entry. Isa pa, bawal ang students dito. Kaya sige na, ibang playground ang napuntahan mo neng. Baka ako pa ang malintikan dahil sayo." Pagtataboy sa akin na halos hawakan pa ang mga balikat ko para itulak palayo.

"Playground ka dyan! Tsaka huwag mo nga ako hawakan, kaya ko mag-isa! Tse!" Sigaw ko at naglakad palayo sa kaniya.

Hay! Pano ba yan? Paano naman ako makakapasok dyan kung ayaw naman ako papasukin ng mamang 'yun! Sana pala nagdala ako ng damit bago pumunta dito, kaso nga lang ang problema ay ID ko..

Hihintayin ko nalang ba na lumabas si Blake dyan? Baka anong oras pa lumabas yun!

Nagtago ako sa isang eskinita malapit sa entrance at pinagmasdan yung mamang malaki ang katawan na walang ibang ginawa kundi humarang sa entrance. So, wala nga akong choice kundi maghintay sa paglabas ng tukmol na lalaking 'yon!

Umupo ako saglit at naghintay lang sa pwesto ko. Lumipas ang ilang minuto pero nababagot na ako! Habang tumatagal ang oras ay mas lalo akong kinakabahan sa nangyayari sa kaniya sa loob, accident prone kaya yon! Ang hilig humanap ng gulo tapos siya kawawa sa huli.

Sinubukan ko ulit tawagan ang phone niya pero hindi na niya ito sinasagot at panay lang ang ring. Ano na kaya ginagawa nun?

Tumayo ako ng napansin kong umalis sa pwesto yung humarang sa'kin kanina, nakita kong naglakad ito palayo sa entrance kaya halos mapangisi ako sa naisip na plano. Mukhang magc-cr yung mamang malaki ang katawan dahil doon ang direksyon na nilalakaran niya.

Nang lumiko siya ay agad akong nagtatakbo papasok sa entrance, kiber na yung cctv! Saglit lang naman ako dito at hahatakin ko na palabas si Blake.

"Haha! Kala mo ha!" Ani ko sa sarili nang maisahan ko yung nagbabantay.

Umakyat ako paakyat sa hagdan ang sinundan ang tugtog na papalakas ng papalakas. Nang makapasok ng tuluyan ay nalula ako sa ingay at mga tao. Amoy ng alak, amoy ng sigarilyo. 

Ayoko sa lahat yung ganitong pinapasukan. Pero anong magagawa ko? May alaga akong tukmol na mas matanda sa'kin. Mabuti nalang at naisip ko ang Gprs. Medyo malapit rin naman sya kaya nagawa ko nalang maglakad papunta dito.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now