Iphone 11

405 15 0
                                    

"IPHONE 11"

Hello spookifiers kwento ito ng aking ka trabaho na si feny sana ay mapost upang makapag bigay Ng aral sa lahat.

Pinangarap mo na rin ba mag ka iphone?  Paano kung mag karoon ka nito ng walang kahirap hirap?
Tara at simulan nanatin

Kasalukuyang tinatahak ko ang daan pauwi sa aking apartment dito sa ****** batangas. Pasado alas 10 na ng gabi ngunit eto nag lalakad palang ako pano  ba  naman lagi nalang ako ping oovertime ng boss ko.

  Pag daan ko sa iskinita ay hinde pa ako nakakalahati ng may narinig ako na nag riring sa gilid ng daan. Agad agad ko itong pinuntahan at tinignan laking gulat ko Ng makita ko ito Isang cellphone hinde basta cellphone dahil Iphone 11 ito na matagal ko ng pinag iipunan dahil gustong gusto ko magkaroon nito. Kaagad ko naman itong kinuha at hinde parin nawawala ang tawag na nag mumuula sa telepono. Nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hinde. Bigla nalamang nawala ang tawag kayat tumingin tingin ako sa paligid ko kung may tao ba na nag mamay ari nito ngunit ako lamang ang nasa eskinita ng gabing iyon kayat dali dali kong tinago ito sa aking bag at mabilis na umalis.

  Pag karating ko sa aking apartment ay hinde na ako nag bihis agad o di kaya nag tanggal ng sapatos sa sobrang excited kaagaad ko itong kinuha sa aking bag at binuksan ito. Pag swipe ko ay wala itong password kayat lalo akong natuwa. Sa wakas may cellphone na ako ng walang kahirap hirap. Binuksan ko ang gallery nito upang tignan kung may larawan ba ng nag mamay ari ng cellphone na ito ngunit nag tataka ako sa aking nakita. Larawan at kuha ang isang nakapaloob sa gallery na ito sa lugar kung san ko ito nakuha. Ang eskinita, at gilid ng basurahan kung saan ko ito nakuha. Tinignan ko ang detalye ng mga larawan kung anong oras at petsa ito nakuhanan at babago lamang ito bago ko ito makita. Tinignan ko naman ang call logs upang tignan uli kung sino ang tumawag kanina ngunit walang pangalan sa  history kundi number lamang na syang nakapagtaka at nakapag pakaba sakin dahil baka hinahanap na ng  may ari ang cp.Ngunit binalewala ko ito. Inalis ko ang simcard at itinapon sa basurahan upang hinde na makontak ng may ari kung sakaling hinahanap nya pa ang cp na ito. Pagkatapos ko mag bihis at kumain ay natulog na ako.

Bandang alas tres ng madaling araw ay  nagising ako sa ring na nag mumula sa iphone kaya naman ay kaagad ko itong kinuha at tinignan. Alarm lamang pala ito kayat dali dali ko ito pinatay at bumalik sa pag tulog.

Alayete ng umaga ng magising ako sa katok na nag mumula sa pintuhan sa maindoor. Kaagad akong tumayo at inayos ang aking buhok. "Delivery po maam" sabi ng rider na nasa harap ko." Delivery? Sakin? Bakit?" ang tangi ko nalamang na nasabi dahil wala naman akong inorder "Sir James po ano ?di ko pa po makontak kanina buti na detect ko po ang cp na gamit nya eto po maam picturan ko lang saglit" sabay abot sa akin pagkatapos nito kuhanan ng picture. "Bayad na po yan maam salamat po" sagot nito at sabay alis. Lutang pa ang isip ko dahil kakagising ko lang at isa pa may order na dumating at di ko naman kilala ang pangalan ng sinasabi ng rider. Umupo ako sofa habang kinakapa kung ano nga ba ito at kaagad ko itong binuksan. Isang cellphone case ng iphone pero kakapulot ko lang ng cp tapos may case na dumating na hinde ko naman inorder. Kinuha ko kaagad ang iphone at sinukat ang case at kasukat nga ito na sya namang kinatuwa ko dahil lalong gumara ang cp. Habang nag kakape ako ay nag tataka parin ako sa mga panyayare.

  Alas dos ng hapon ay naglalakad ako patungo sa 7/11 na malapit sa apartment ko . Sa eskinita uli ako dumaan dahil ito lang ang mas malapit na daan papu nta doon. Habang tinatahak ko ang daan ay parang may kakaiba aking naramdaman na parang may sunusunod sa akin. Nilingon ko naman ngunit wala at ako lamang ang nandoon. Pag kuha ko ng isang slurpee at hotdogsandwich ay  binayaran ko na agad ito sa counter. Oo wala akong pasok ng araw na ito dahil sabado. Naisipan kong itakeout ito at sa bahay na kainin.Nang makarating ako sa bahay at kaagad ko itong inubos upang makapag pahinga ulit dahil mamayang alas  9 ng gabi ay mayroon pa akong tatapusin may naiwan pa kasi akong gawain na nasa laptop ko. Habang nagtatype ako sa laptop ng bandang alas 9 ng hapon ay may narinig akong kumakatok na nang gagaling sa sliding na bintana.  Hinawi ko ang kurtina na nakataklob dito at halos mawala ako sa ulirat ng  makita ko ang isang lalaki na kumakaway sa akin na para bang adik ang itsura. Mababang lalaki lamang may malaking mata at madaming tattoo. Kitang kita ko ito dahil may ilaw na nang gagaling sa labas ng apartment at ilaw na nang gagaling sa loob. Maya maya pa ay nilikot nito ang kanyang paningin na para bang may hinahanap sa loob ng bahay. Hinampas ko ang bintana na may halong galit at takot. "SINO KABANG GAGO KA" sigaw ko ngunit di ko alam kung naririnig nya ba ako. Nakakasigurado naman akong naka lock ang bintana ngunit ng mapagtanto ko na hinde pa naka lock ang pinto ay dahan da han akong nag lakad patalikod na nakaharap parin sa lalaki na nasa bintana. Kaagad ko itong pinindot at isinabit ang isa pang lock. Nakita ng lalaki ang ginawa ko at lalo ako nanlambot ng ngumisi ito sa akin.Sabay alis nito. Unti unti akong lumapit sa bintana at sinrhan ang kurtina.Natatakot ako sa susunod na manyayare lalo na at kaduluhan na ang aking apartment na malabong may dumaan at mahingian ng tulonng kung  sakaling may manyare .Kinuha ko ang cp ko at kaagad pumasok sa kwarto upang doon mag tago. Pinapakiramdaman ko parin kung kakatok muli ito at syang ikinatalon ko sa kinauupuan ko dahil narinig kong tumunog ang doorknob sa maindoor na para bang sinusubukan buksan ito. Wala akong ideya sa mga nanyayare hinde ko alam kung bakit may lalaking gusto manloob sa bahay kung nasaan ako . Hanggang sa " buksan mo na kasi ito " salita nagmula sa lalaki na nasa labas ng pintuan.Kinuha ko kaagad ang aking cp upang contactin ang aking kaibigan na nakatira di kalayuan sa apartment ko

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now