ASWANG

31 0 0
                                    

"ASWANG"

Noong bata ako (elementary) lagi akong nagbabakasyon sa lola't lolo ko side ng papa ko sa Mambog Binangonan Rizal. Gabi na nun nung kumakanta kame ng kuya ko ng lupang hinirang na ginagawa naming katatawanan yung pagkanta tapos ang ingay ingay namin nung gabi na yun, nagkakatuwaan kame nun may mga pinaglalaruan din kaming magazine books etc. Sinasaway na nga kame ng lola namin dahil nga ang ingay ingay namin at gabi na. hanggang sa may napansin kaming palaka na nakapasok sa kusina kung saan kame naglalaro ng kuya ko. Tapos pinaglaruan namin yung palaka di ko lang matandaan kung napatay namin yung palaka na yun basta pinaglaruan namin sya. pagkatapos nun sinaway ulet kame ng lola namin dahil nga masyado na kaming maingay hanggang sa nagyaya na yung kuya ko na matulog tapos nauna akong pumasok sa kwarto at sumoot sa may kulambo habang yung kuya ko dumeretso sa may cr para umihi tapos maya maya tinawag ako ng kuya ko nandun sya sa may tapat ng pinto ng kwarto pinapalabas nya ko dahil may nakita daw syang aswang nginitian ko lang sya dahil baka pagtripan nya lang ako hilain nya ko palabas ng kwarto at isara nya ang pinto, tapos pinipilit nya ko lumabas ng kulambo sa kwarto hanggang sa lumabas na nga ako sinamahan ko sya maglakad hanggang kusina tapos sabi ng kuya ko nandun daw sa may cr punta daw ako bandang taas sa may parang bintana na kahoy na mga nakapahabang mga kahoy . Tabi kase ng kusina namin yung cr Tapos natatakot kong tinignan pero wala akong nakita. Sabi ko sa kuya ko na wala naman. Pero Sabi nya tignan ko lang daw maigi bakas sa muka ng kuya ko na natatakot sya at totoo yung sinasabi nya. hanggang sa binalikan ko ulet at tinitigang maigi, tapos yung humangin naggalawan yung mga halaman ng puno GRABE!! nakita ko nga! totoong nakita ko!

Ayun yung isang bagay na di ko malilimutan sa buong buhay ko yung makakita ng aswang! Namamalat yung muka yung isang mata nya parang mata ng pusa yung isa naman maliit yung itim ng mata malinaw na malinaw grabe!

Sinabi namin yun sa lola namin na may aswang sa cr at saktong magccr nga yung lola namin pag pasok ng lola namin sa cr di nya na sinarado ang pinto kaya sinulyapan ko ulet at kitang kita ko ulet grabe talaga yung takot namin ng kuya ko nung oras na yun sabay sabi ng lola ko na wala naman daw syang nakita pero nagmamadali syang lumabas ng cr alam namin na nakita din nya. pinagmadali nya kami na isarado lahat ng bintana siguraduhin na nakalock yung pinto. nung gabi na yun wala yung lolo ko umaga na kase umuuwi lolo ko dahil sa namamasada ng taxi. Tapos pinagdasal kame ng lola namin sa harap ng altar doon sa may kwarto nya at doon narin kame pinatulog ng lola namin sa kwarto nya. Naisip ko na siguro nakabulabog kame ng ibang nilalang dahil sobrang ingay talaga namin ng gabi na yun.

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now