WAREHOUSE

36 2 0
                                    

WAREHOUSE

Hello sa mga silent reader's dito sa Spookify, I hope na ma I post ito. This is a true story.

Nag work ako sa isang company nangyari ito last year, dito sa lugar namin ay laging binabaha lalo na't pag tuloy tuloy ang buhos ng ulan, mabilis tumaas ang tubig

Inaabot ako ng mahigit isang oras sa byahe dahil mataas ang tubig at iilan lang ang mataas na sasakyan na namamasada, may part na din ng daan na hindi na kayang daanan ng sasakayan kaya kailangan ko pang sumasakay ng bangka para makapasok sa work.

May araw na hindi ako makapasok dahil iilan lang yung namamasadang bangka at kailangan pang hintayin na makabalik para makasakay, kaya nakiusap muna ako na mag stay in muna sa warehouse pansamantala

Yung kaibigan ko ay nag trabaho din sa warehouse bilang isang maintenance, kaya may makakasama din ako sa warehouse pag nag stay in ako.

Pag out namin sa work ay pinagtutulungan na namin linisin yung warehouse, yung kaibigan ko ang nagwawalis at ako naman nag momop ng sahig. Pagkatapos namin mag linis ay pumunta ako cr sa labas ng office ng warehouse para maglaba ng ppe. Habang naglalaba ay naaninag ko sa may siwang ng pinto ng Cr na may pabalik balik na naglalakad, dalawa lang kami sa warehouse at yung kaibigan ko nasa luob ng office. Naiisipan ko buksan yung pintuan, habang naglalaba ako may naaninag akong Bata na nasa likod ko. (tiles yung pader ng Cr kaya maaaninag yung reflection sa likod at nakabukas ang pinto ng Cr) Hindi kona pinansin at pag sampay ko ng damit ay pumasok na agad ako sa loob ng office.

Pag pasok ko sa loob ng office ay nagtatakang tanong ng kasama ko kung saan ako galing, dahil bago ako pumasok sa loob ng office ay nakita nya daw ako sa tapat ng pinto na pinag lalaruan yung mop, pero pagkatapos namin mag linis ay lumabas agad ako para maglaba.

Hating gabi na ay may naririnig kaming nagtatakbuhan sa labas ng office, inakala namin na pusa lang iyon pero nagduda na kami dahil kinakalabog na ang pader at dinig din namin ma may nagtatakbuhan sa hagdan. (Meron itaas yung warehouse kung saan nakalagay yung ibang gamit at yung hagdan ay gawa sa bakal) kumuha agad ng flash light ang kasama ko para tignan namin kung may ibang nakapasok sa loob ng warehouse, pati sa taas ay tinignan namin pero wala kaming nakita.

Isang gabi naman ay mag 2am na ng magising ako ay naisipan kong umihi nalang sa labas ng warehouse at sa harap ako dumaan. Pag pasok ko ay nagising din ang kasama ko at lumabas din sya pag pasok nya ay bumalik ulit sya sa pag tulog.

Kinaumagahan ay nakwento nya sa amin na may lalaki daw kagabi sa labas at kinakabog ang pinto sa gate kaya sinilip nya ito at paglabas nya ay walang ibang tao.

Naiisipan ng Isa sa mga katrabaho namin na tignan ito sa cctv ni review nya sa parehong oras na lumabas ako, nagulat kami nung ako lang ang nakita tumayo para lumabas at ang kasama ko ay tulog parin, pero ang alam namin ng kasama ko ay halos magkasabay lang kaming lumabas.

Fast forward

Yung kasama ko sa warehouse ay nag resign at bumalik na sa dating trabaho.

Hindi na din ako nag stay in dahil mababa nadin yung tubig at nakakadaan na ang mga sasakyan.

Kinuhang maintenance ang pinsan ko sa warehouse, tinanong ako ng mga kasama namin na mag stay in nalang ulit para makatipid din sa pamasahe at may makakasama naman ako.

Sa unang araw ng pinsan ko sa warehouse ay ok naman daw pero makikita sa mata nya ang puyat, kinabukasan ay dapat mag I stay in na din ako sa warehouse para may makasama na din sya pero wala pa akong dalang mga gamit at uniforme na susuotin.

Unang gabi nya duon sa warehouse ay nanaginip daw sya na tinawag ng batang babae, hating gabi ng magising sya ay laking gulat nya ay nasa harap ng sya ng pinto.

Kinaumagahan ay naikwento nya sa amin yung nangyari, sinubukan namin I review sa  cctv nagulat kaming lahat ng biglang bumakas ang pinto sa office kung saan sya natutulog at sya ay naglalakad ng tulog habang papalapit sa pinto.

Mag I stay in nadin dapat ako kinabukasan at naka ayos na yung mga uniporme at gamit ko, para may makasama na din sya duon sa warehouse

Pangalawang gabi ay nag message sya sa akin, habang nag lilinis daw sya sa office ay may tumatawag sa pangalan nya, hindi nya iyon pinansin at tuloy lang sa paglilinis. Pumunta sya sa Cr at biglang may kumalabog ng pinto sobrang lakas at parang galit. Hindi nya ulit yun pinansin at pumasok ulit sya sa office para ituloy ang paglilinis. Habang nag lilinis sya ay palakas ng palakas ang boses na tumatawag sa kanya. Nagulat sya nung may nakitang syang batang babae sa ilalim ng hagdan sa warehouse batang babae na namumula at nanlilisik ang mata lumulutang sa hangin ang batang babae habang papalapit sa kanya tumawa ng malakas at tinatawag ito. Sa sobrang takot nya ay kumaripas sya ng takbo yung batang babae ay tila nag teleport sa harap nya at tumatawa ng malakas.

Kumaripas sya ng takbo palabas ng warehouse, pero bumalik ulit ito para isara yung pinto ng gate. Pero yung batang babae ay papalapit sa kanya habang nag iiba iba ng pwesto.

Fast forward, mga ilan araw ay pang gabi na ang pasok namin busy ang lahat sa kanya kanya nilang trabaho. Kami ng kateam ko ay sa labas ng office naka pwesto

Hating gabi ay nakita kong muli yung batang babae pumasok ito sa Cr, sinundan ko ito at pag pasok ko ay nakita ko ang bakas ng kanyang paa nakita din yung bakas ng paa sa Cr ng kasama ko. Lahat kami ay nakasapatos para hindi matakot ang mga kasama namin ay binuhas namin ang sahig para mawala yung bakas ng paa sa Cr.

Meron din kaming mga katrabaho nakakakita doon at madalas iyon sa hagdan pero sa katagalan ay nasanay nadin ang iba.

Salamat sa pagbabasa medyo napahaba at magulo yung kwento ahaha

Owen

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant