KAPALIT

45 3 0
                                    

KAPALIT

Nagsulat na ako dito about sa isang experience ko, isa palang yon sa napakaraming creepy experiences ko simula nung nakakakita na ako. Marami akong nasulat, nasa notes ko lahat. Pag isipan ko muna kung isheshare ko rin ung Baguio experience ko🤣.

Ikwento ko naman ung experience nila mama sa mismong bahay namin na tinitirhan at ang dahilankung bakit din ako nakakakita. Eto ay kinuwento lang ni mama ko sakin.

Grade 4 ata ako non, diko na matandaan basta Elementary palang ako nung lumipat kami ng bahay which is ung bahay namin ngayon. Ung paligid ng bahay eh masukal nung unang mga linggo, ung bakuran kasi sobrang lawak talaga, lupa kasi ng kamag anak na nasa amerika, so naging care taker kami ng lupa nila. Ilang linggo din na naglilinis sila mama at papa ko noon. May poso at mga kawayan sa malapit sa bahay. Malalaking puno ng mangga, eucalyptus at mahogany as in matatayog talaga.

Naaalala ko that time nung naglilinis sila malapit sa malaking puno ng kawayan, sumunod ako kasi nakiki-isyoso lang bata eh, tsaka naaaliw ako sa talim ng itak ni papa pag magpuputol sya ng kakawati ( uri ng puno) hanggang sa tawagin ako ni mama sa diko malaman na dahilan at pinapasok sa bahay. Kinagabihan non, nilagnat si papa, di naman daw gaanong mainit si papa pero mabigat daw ang pakiramdam nya. Hanggang sa kalagitnaan na ng gabi, nung bangungutin sya, naninigas ung katawan nya tapos umuungol lang sya na parang may kaaway. Lampara pa gamit namin noon na ilaw dahil nikawan ng kawad ng kuryente ung bahay sa tagal kasi na walang nakatira. Nagdasal daw si mama ko at kinausap si papa kasi di nya magising, ang eksaktong pagkakasabi nya " kunin mo na ung iba wag lang ung asawa ko kailangan nmin sya ng mga anak ko". After non may itim na anino na tumayo mula sa higaan ng papa ko tapos nawalan sya ng lagnat, masigla na sya kinabukasan. Ang nakakalungkot lang eh after ilang days, nalaglag ung kapatid ko sa sinapupunan ni mama.

Yung time pala na pinauwi ako eh may nakita si papa na itim na pigura pero malapit lang sakanya, na nakatingin sakin. Si mama naman nakita daw nya din yon pero mas kapansin-pansin daw na mas malapit sa pwesto ko ung nakaputi, in short dalawang entity ung andon nong panahon na yon. Simula non nakakakita na ako ng nakaputing bata na pagala gala sa mga puno ng mahogany, ayoko rin naglalakad don pag gabi kasi talagang sumusunod sya. Hindi lang naman ako ang tinakot nya eh, pati ung dumaan na mga tambay, after nyang makita yon di na sya dumaan sa kakahuyan🤣

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now