Patay na si Ate

128 2 0
                                    

Sana mapost ito admin, gusto ko lang ishare itong personal experience ko.  this is my real account but hide my identity nalang po sana, Hindi din pala ako masyadong magaling mag kwento pero sana magustuhan niyo.

SO ITO NA NGA year 2010 may bf ako naging super close ako sa family nya to the point na araw araw ako nasa kanila kahit after school dumidiretso ako sakanila, naging mag bf/gf kami simula 2010 hanggang 2013 yung ate ng bf ko lagi kong nakakabiruan, kasama sa inuman sa foodtrip, as in super close ko sa family nya lagi kong nakakabiruan ate ng bf ko lagi nya sinasabi na "KAPAG AKO.NAMATAY HIHILAHIN KO MGA PAA NYO" sabay tatawa ng nakakaasar, katabi namin sya.matulog may soundtrip lagi kapag natutulog yung ate ng bf ko. hanggang sa dumating yung time na naghiwalay kami ng bf ko. so nagkaroon ako ng bagong bf after a year.

So year 2014 galing ako sa house ng new bf ko, biglang nag chat sa messenger yung pinsan ng ex ko sabi "Uyy si ate cha patay na naaksidente sa motor malapit sa mcdonald yung anak nya 50/50 nasa hospital pero si ate patay na" hindi ko malaman yung nararamdaman ko that time nireplyan ko nalang na saan hospital kako para mabisita ko din sana yung anak ng ate ng EX ko. So ayun bumisita ako sa hospital naka dextrose nga yung bata and sa itsura nya talagang sobrang imposible na mabuhay pa. dahil nga di ako sanay sa hospital at nahihilo ako sa.loob lumabas ako, umuwi muna then nung nakaburol na yung ate ng ex ko sinama ko yung classmate ko after school, so nakipag lamay kami sinilip ko yung ate ng ex ko na nasa kabaong katabi yung kabaong ng anak nya, (yes namatay din yung anak ng ate ng ex ko hindi na kinaya)

So ito na ngaaaa.. edi sumilip kami ng classmate ko sa kabaong sakin normal lang tas biglang lumingon sakin yung classmate ko sabi nya "bakit?" sabi ko anong bakit? sabi nya kinalabit moko eh may binulong kapa, sabi ko "hoy hindi kita kinakalabit at mas lalong wala akong binubulong sayo, hindi talaga ako lumapit o humawak sayo" sabi ng classmate ko "wag mo nga amo tinatakot" sabi ko hindi nga ako yun, but to be honest HINDI TALAGA AKO YUN, so ayan umalis na kami dun, dahil narin sa natatakot ako sa pinag sasabi ng classmate ko. so dumaan muna kami sa sm habang nag lalakad kami nag kukwentuhan kami na meron daw talagang kumalabit sakaniya may bumulong daw pero di nya maintindihan sabi ko baka ate ng ex ko yun baka kasi bago ka lang di ka nya kilala, biro ko pa sakaniya.

Then ito na, after namin mag SM so kanya kanyang uwi na sa bahay nung una at pangalawang gabi okay pa, nakakatulog pa ko ng maayos. nung pangatlong araw sa kasarapan ng tulog ko, biglang may humila sa paa ko, ramdam na ramdam ko yung higpit sa hawak ng kaliwang paa ko. as in bumaba talaga ako sa pagkakahiga ko, hila pababa talaga ginawa sakin. so akala ko panaginip lang pero hindi eh, so gumapang ako papunta sa unan ko, kung pano yung pwesto ko sa pagkakatulog ng mapalingon ako sa paa ko, Andun!!!! OO ANDUN!!! YUN ATE NG EX KO, NAKANGISI SAKIN. Sobrang takot na takot akooo nagtalukbong ako ng kumot. nanginginig ako sa takot. hindi ko na sya sinubukang silipin ulit dahil baka pag silip ko nandun sya sa harapan ko. Hanggang sa nakatulog ako, pag gising ko hindi parin mawala wala sa isip ko yung nangyari hanggang ngayon nakatatak sa isip ko yung pang yayari na yon. Hanggaang sa naalala ko yung laging biro ng ate ng ex ko na hihahin ang paa namin, tinutoo nya. ginawa nya talaga yung akala namin biro lang nya. So Hanggang dito nalang pasensya na hindi ako magaling mag deliver ng kwento pero sana nagustuhan niyo. salamat!

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now