Ward 1

209 7 0
                                    

WARD 1

Hi Spookify!

Matagal na akong reader sa page na to, ngayon lang ako makakapag share ng kuwento ko.
I am CJ, a student nurse, magfofourth year na next sem. Pasensya po at di ako masyado marunong magkwento pero I'll try my best

This experience happened when I was in my 2nd year during sa hospital duty namin. Noonh time na yun, kami ang pinakamarami na batch, iisang section lang kami per batch sa nursing school na pinapasukan ko, at dahil marami nga ay hinati kami sa anim na grupo, 10-11 student nurses per batch at 3 days ang aming duty sa kilalang private hospital dito sa amin. Nagsimula ang 1st batch sa duty 2nd week ng October, at dahil may mga unexpected events, at kasama pang mga holidays ay nabago ang ibang dates sa duty. Sa pagkakaalala ko, when it was our turn/schedule already, after Undas yun. Nov. 3. Supposedly ay duty namin yung November 1 & 2 kung di lang sa isang parent na nag raise ng concern for her daughter which was my classmate kasi uuwi pa raw sila sa probinsya.
So ayun, our 1st day was smooth naman nag eenjoy kaming lahat dahil first time namin sa duty na yun kahit pagod na ay nagkakatuwaan parin sa Lounge pagkatapos ng rounds. I was assigned sa Ward 1, tuwang tuwa pa nga ako kasi mabait ang patient ko at ang asawa nya. At 3pm that day nagkakatakutan pa nga dahil sa mga kwento kwento ng mga naunang batch sa amin. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga sabi sabi, mga paranormal na yan, mas takot pa nga ako magkaroon ng toxic na patient eh hahaha, so binalewala ko yung mga kuwento ng mga kaklase ko. Natapos naman ang araw na yun na walang nangyaring dapat naming ikatakot, at sana pala ay ipinagpasalamat kong ganon kasi sa ikalawang araw namin ay nangyari ang di ko ineexpect mangyari sa duty na yun.

Like the first day, 8am - 6pm ang shift namin. malapit lang ang bahay namin sa hospital na yun at dahil na nga malapit lang ay nauuna ako dumating, nag log in na ako at nauna na sa lounge, pagpasok ko ng lounge ay nagtaka na ako dahil malamig ang room at nakapatay naman ang aircon, again ay binalewala ko na lang at baka may gumamit ng lounge sa naunang shift. Ilang minuto lang ay dumating naman agad ang mga kaklase ko at yung Clinical Instructor namin, usual routine, prayers tapos endorsement at rounds na agad pagkatapos. Sabay sabay kaming pumunta sa mga ward para kumuha ng vital signs ng mga patient namin and all. Nung nasa hallway pa lang kami ay parang may mabigat na nakadagan sa shoulders ko, nung mga oras na yun ay medyo natakot na ako, then one of my classmate approached me, sabi ay manghihiram raw ng pulse oximeter after ko kumuha sa patient ko dahil bigla raw hindi nagana ang sa kanya baka raw ay kailangan na palitan ng baterya. Ako naman ay nagmadaling kumuha ng vital signs kay patient ko at usap saglit at tsaka ako lumabas para iabot ang pulse oximeter kaso ay walang kaklase ang naghintay sa labas ng room, walang ni isang tao ang dumadaan sa hallway na yun at sobrang tahimik. Pagkatapos ko doon ay bumalik naman agad ako sa nurse station and my classmates were there also, all of them naghuhubad na ng protective wear. Kinausap ko yung classmate kong manghihiram sana ng pulse oxi, itago na lang natin sa pangalang Kate.

Sabi ko ""Kate di na kita inabutan sa labas ah, nakakuha ka na ng O2 Sat ni patient mo?"" Kumunot naman ang noo nya at sinabing ""Huh? pinagsasabi mo Cej?""
I was confused af, dahil sya talaga yun eh, di naman ako makakalimutin at kilala ko naman sila lahat na mga kaklase ko. So sabi ko ""diba manghihiram ka sana ng pulse oximeter ko?"" sagot nya naman ""Parang wala naman akong sinabi, may pulse oximeter naman ako eh"". Kinabahan na ako sa puntong yun at nanlamig pero di ko ipinahalata dahil para hindi na rin matakot ang mga kaklase ko. I feel like it was the longest shift of my life. Di pa man natatapos ang duty, nag rounds ulit kami ng mga 3pm nun, At dahil magsusuot pa kami ng gown at gloves sa labas ng lounge medyo natagalan ako sa pag locate nung akin dahil nasa iisang linya lang lahat ng gown namin at naka hang, kaya naman ay nahuli ako at mag isang tinahak ang hallway, it was still so silent, tunog lang ng sapatos ko ang maririnig, then when I reached ward 1, I knocked 3 times and  entered the room pagkatapos ay nilock ko ang pinto, and when I say ni lock ko, yung naririnig talaga na nag click ang knob as indicator na lock talaga. Then, I greeted my patient and si wife nya, they were friendly and kept asking and chatting with me with random things, but as I was taking my patient's blood pressure, biglang bumukas yung pinto ng room ng dahan dahan. Sumilip naman yung wife ni patient and pati ako ay napabaling doon. I waited if may doctor bang nag rounds or baka yung CI namin ang pumunta, so I checked and no one was outside at wala rin namang pumasok obviously, wala rin akong narinig na naglalakad or tumatakbo if pinaprank lang ako ng mga kaklase, wala talaga, the hallway was dead silent. I kept my cool and nag resume na sa vital signs taking kahit nanginginig na ang kamay at tuhod ko. Nang lumabas ako ay ganon pa rin, I was walking through the hallway papuntang nurse station, I'm halfway through when something cold touched my neck and shoulders. I stopped walking and breathing like I'm gonna pass out any moment, and at the corner of my eye, I saw a black figure na nakakapit sa shoulders ko, naluluha na talaga ako at di na makagalaw sa kinatatayuan ko buti na lang at sa tapat ko nun ay isang room din kung nasaan naka assign ang isang kaklase ko, lumabas ang kaklase ko at doon napa upo na talaga ako kaya naman ay agad agad akong nilapitan at tinanong kung na pano ako. I was so stunned to speak and move that it took some time para mahimasmasan ako.

It was my first time to experience that and ngayon naniniwala na talaga ako sa mga ganon. Noon ay naririnig ko lang at nababasa, ngayon ay naranasan ko na talaga, it was very traumatizing fr.

Di mo talaga malalaman ang pakiramdam kung di mo ito maeexperience. Pero kahit ganon ay pinagpatuloy ko pa rin ang kursong ito at pinalakas pa lalo ang loob at ang paniniwala sa Diyos.

CJ

SPOOKIFY ( HORROR TAGALOG STORY )Where stories live. Discover now