Chapter 7

86 2 2
                                    

Lumapit sa akin si Miller. Milky Yun I thought you are my girlfriend. Bakit mo ko nilagay sa complicated situation na to. Nakapikit ako habang hinihiling ko na it’s a different Miller. Sana hindi nya narinig.

“Are you KARA JADE NERIS?” tanong sa akin ni Miller. Nakatungo pa din ako at yung tip ng thumb ko ikinikiskis ko pa din sa tip ng index  finger ko. Sasagot ka ba Jade? Imbis na magsalita nagnod na lang ako.

“So ikaw pala yung humahamon sa akin! Are you brave enough to carry the pains? “Humarap sya sa akin at hinawi nya yung bangs na nakatabing sa right eye nya. Ang tapang ng mata nya at kahit glimpse lang ang ginawa ko, parang ang tindi ng impact, natatakot talaga ako. Pero Jade wake up! Hindi ka dapat magpakita ng takot. He is just a human like you and you are equal.

“And who are you?” Tanong ko sa kanya. Magkukunwari na lang akong hindi ko sya kilala. Tapos bigla nyang ginrab yung face ko ng kanang kamay nya. At napatingin ako sa kanya ng pwersahan.

“Ako lang naman si XANDER MILLER, yung chinat mo and you told me na HINDI AKO GWAPO and I’m the dumbest person that you have seen. And I am such a fool SABI MO!”  Pinamumukha nya talaga sakin ang mga sinabi ko. Hindi ako dapat matakot dahil totoo namang dumb sya para patulan ang babaeng katulad ko.

“I’m just telling the truth! You are dumb and a fool para patulan ang babaeng katulad ko!” nanlilisik ang mata ko sa galit habang tinitignan ko sya habang nakalagay yung right hand nya sa mukha ko. Inalis nya yung tingin nya sa mata ko. Tinanggal nya yung kamay nya sa mukha ko at hinawi na naman yung bangs nya. Tapos bigla syang ngumisi. He grin as if he is insulting me. Umiling- iling sya.

“haisst! So, yang mukhang yan lang ang iinsulto sa akin? You’re just nothing” tumawa uli sya ng nakakainsulto. Inis na inis na talaga ako.

“Hindi nga ako nagkamali. You are a fool!!” sabi ko sa kanya..

“Mr. Xander Miller” Maya-maya may tumawag sa kanya na School Staff. Napalingon sya.

“Pasalamat ka nasa public tayo.May araw ka rin sakin. Remember, I’ll ruin your school life. I’m a serious person kaya tototohanin ko ang sinabi ko” tapos nilagay nya yung kanang kamay nya sa bulsa nya at inapproach nya yung school staff. Lumingon sya sa akin dinuro nya ko tapos nagclose fist sya na parang hinahamon nya ko. Buong buhay ko hindi pa ko nakipag-away, pero dahil lang sa incident sa facebook, masisira ang matiwasay kong buhay.

Mr. Heartless!Where stories live. Discover now