Chapter 16

64 2 0
                                    

TYRON”S POV

First time I met Kara Jade Neris, tingin ko I’m gonna like her. Hindi ko sya napapansin dati. Siguro dahil maraming nakapalibot na babae sa akin. Hindi ko naman ginustong maging sikat sa kanila pero they are always chasing after me. Wala naman akong magagawa kasi lagi ko rin kasama si Erol na certified heartthrob. At kapag magkasama kami, talagang mapaglaro sya sa babae. Nakikisakay lang ako sa kanya coz’ he’s more like a brother to me.

Napansin ko si Jade sa library, nagsusulat sya ng kung ano sa table ng assistant librarian, siguro mga two minutes na akong nakatayo sa harapan nya at hindi nya ko napapansin. Kahit nakasalamin sya, nakikita ko pa rin ang ganda ng facial features nya. Siya yung unang babae na kahit hindi fashionable pero nakakaattract para sa akin. I greeted her, noong tumunghay sya, mas nakita ko na maganda talaga sya. Bihira lang akong makakita ng babaeng simple sa societing ito. She’s cute at I like the tone of her voice. Pero parang nasstartstruck pa din sya sakin. Nakakatuwa naman. After nyang iabot yung libro nagsmile ako at tumingin ako sa kanya para hindi nya ako makalimutan. Sayang hindi ko natanong yung name nya that time. Kaya pala hindi ko sya napapansin dati lagi syang nasa libarary at bihira naman akong bumisita dun.

                Supposedly papasok ako sa first day ng klase sa Humanities, pero Erol phoned me.

“Bro, wag ka munang pumasok antayin mo ko sa inyo”

“Bakit bro? may problema ba?”

“Big problem bro, sige I’ll hang up nagdidrive ako eh” Inantay ko sya sa bahay.  Noong narinig ko yung busina ng sasakyan nya. Bumaba ako.

“Erol anong problema natin?”

“Guess what bro?” medyo sarcastic yung mukha ni Erol. Yung tipong badtrip na, nakakatawa pa,

“ahm.. You broke up with Trisha?” lagi namang ganun ang problema nya. BABAE

“Bro, I’m getting married!”

“What? With Trish?” napikot na ba sya ni Trisha. I don’t even like her for him

“No Pare, I don’t even know the girl. It’s all Dad’s fault pinagkasundo nya ko”

“End of your bachelor’s life Erol” Hindi na ko nakapasok. Nagyakag sya sa resthouse sa Tagaytay para mawala daw yung problema nya.

Second day na ng class sa Humanities nung umattend ako ng klase, mapagbiro talaga ang tadhana kasi nasa door pa lang ako nakita ko na si Jade. May mga vacant seats pero I choose to sit beside her. I pretend na hindi ko sya nakita at umupo na lang ako. Tapos doon ko nalaman na Kara Jade Neris pala ang pangalan nya noong kinausap ko sya. After ng class, yayain ko sana sya sa Cafeteria pero bigla na lang syang nawala, siguro may work pa sya sa library.

I’m desperate to know this girl. Kahit san ako tumingin, sya yung pumapasok sa isip ko. It’s been days na ng huli kaming nagkita. Kaya sakto naman, papalabas sya ng school at mag-isa sya. I think this will be a good plan.

“Library girl!” tinawag ko sya. I just like to call her that way.

“Hi Tyron!” sabi nya sakin. Buti naman hindi nya nakalimutan yung pangalan ko.

“Jade nga pala ang name mo, busy ka ba ngayon?” tinatanong ko sya. It’s your day Tyron.

“Nope, ahm..Hindi naman bakit?”  It’s your lucky day Tyron.

“Yung book na hiniram ko sa library. It’s missing. I look inside the bookstores pero walang ganung book? I just want to ask if you can go with me to look for the same book that I lost.” Ang totoo hindi talaga nawawala yung book. Palusot ko lang iyon para makasama ko si Jade

“Sure, sure! Actually hindi namin sa bookstore binili yung book. Galing pa kasi yung ibang bansa at inorder lang namin sa distributor” It’s good na wala noon sa bookstore kung hindi bukong-buko ako. At ayong nga we went to Marikina. I got to know her, at impressive pala sya kasi gusto nyang maging independent. Parang nagiging talkative tuloy ako kasi nag-eenjoy akong kasama sya. Kinuha ko yung number nya tapos hinatid ko sya sa kanila.

Monday, nakita ko si Jade nakatungo at balisa naglalakad sa hallway, tapos to cheer her up, nagsmile ako sa kanya. I think she had a bad day. Tinanong nya ko about Xander Miller, medyo nagtaka ako sa tanong nya. Sabagay classmate namin si Miller kaya siguro nacucurious sya. Ang kinakatakot ko lang baka type nya si Xander. I know everything about Xander kaya sinagot ko yung tanong nya tapos bigla nya na lang akong iniwan. Hahabulin ko sana sya, kaya lang tumawag na naman tong si Erol.

“Bro, punta tayo sa Blues” Kawawa naman ang kaibigan ko hindi pa rin matanggap na he’ll be married soon.

“Pare, magcecelebrate ba tayo ng marriage mo?” biro ko sa kanya

“F**k ! Pare, we are going there para makalimutan ko tong marriage na to and you’ll be surprise about my bride”

Nagpunta kami ng Blues, nagpakalango si Erol sa alak. Ako naman, paunti-unti lang ang inom ko. Walang aalalay kay Erol kapag sinabayan ko sya sa alak.

“It’s Miilky Yun. My bride to be”

“I know her, kaklase ko sya sa isang subject. She’s beautiful but I like her bestfriend more  bro”

 “What? She’s a Korean. I know she’s beautiful but why on earth Pare? Paano si Trish?” Lasing na to. Hindi na makausap ng matino.

“It’s your Dad’s decision wala kang magagawa” parang hindi nya naintindihan yung sinabi kong I like the bestfriend of Milky. Then, nagthrow up na si Erol at nakatulog kaya hinatid ko na lang sya pauwi.  2am na kami nakauwi kaya hindi na ko pumasok kinaumagahan.

Mga afternoon na ng sinabi sa akin ng kaklase ko ang nangyari kay Xander at nagulat akong si Jade ang nanghumiliate kay Xander. Ang tapang ni Jade. So I texted Jade, lumabas kami. Sa mall nakita namin si Xander at napakapit si Jade sa braso ko. Huwag ka ng bumitaw hanggang mamaya please, pero pagkalampas ni Xander bumitiw na sya sa braso ko at nang ihatid ko sya pauwi.

“Why are you so good to me?”  nakakahalata naman sya. I can’t say  the word ‘I like you’ masyado pang maaga.

“Coz’ I got to know you better.. sige na sige na bumaba ka na. Bye!” tapos kinurot  ko sya pisngi. Cute nya talaga. Sana lagi na lang ganito.  Ano na naman ba ang plan ni Xander?

Mr. Heartless!Where stories live. Discover now