Chapter 11

79 3 0
                                    

Hindi ko na nakita si Miller pagkatapos ng klase ko even sa library pagbalik ko. Kinwento ko kay Milky at Harry yung nangyari at kinabahan sila para sa akin. Nag-aalala sila for me pero I should not show any sign of worries baka mas lalo silang mag-alala sa akin. Nauna ng umuwi si Milky kasi may dinner daw ang family nila sa Midas Hotel. Niyaya nya ko pero hindi na ko sumama. Si Harry naman may Night out with his cousins. Kaya, I will go home alone. It’s 3:30 pm noong nasa gate ako, may tumawag sa akin.

“Library girl!” lumingon ako at nakita ko si Tyron nakasmile at inaapproach nya ko. Is this for real?

“Hi Tyron!” sabi ko sa kanya. At least kahit bad day itong araw na to, mayroon pa ding mga taong nagpapaganda ng araw ko.

“Jade nga pala ang name mo, busy ka ba ngayon?” tinatanong nya ba kung may gagawin ako ngayon?

“Nope, ahm..hindi naman bakit?” What’s the matter with this guy? Bigla syang napakamot sa temples nya na parang may ipagtatapat na hindi masabi.

“Yung book na hiniram ko sa library. It’s missing. I look inside the bookstores pero walang ganung book? I just want to ask if you can go with me to look for the same book that I lost.” Humihingi sya sa akin ng favor. Okay lang sa akin anyway I’ll take it as a date.

“Sure, sure! Actually hindi namin sa bookstore binili yung book. Galing pa kasi yung ibang bansa at inorder lang namin sa distributor” sabi ko kay Tyron. Tapos niyakag nya ko to ride in his car. Pinagbuksan pa nya ko ng pinto. First time nangyari sa akin yun.

“So we are going to distributor’s office?” tanong nya sa akin. Then dinrive nya na yung car. Sa Marikina pa ang punta namin nito,

“ Where are you living Jade?” tanong ni Tyron.

“Sa Southville.” Medyo naiilang pa ko sa kanya. Tapos nagplay sya ng music. Classical Jazz pala ang gusto ni Tyron. He’s my ideal man talaga. Bright talaga sya kahit sa choice ng music.

“Hindi ka rin pala basta-basta, sa Southville ka nakatira. I used to live there but I transferred in a Condo malapit din sa Southville. My Mom and Dad settled in US kaya solo lang ako dito. I don’t have any siblings din. My grandma is living now sa house namin sa Southville minsan dinadalaw ko sya. I’m wondering, you are living in Southville but why are you still working? ” Bakit ang pleasant nya?  Ang bilis mapapalapit ng lahat sa kanya. At ang sarap nyang magkwento at hindi ka mabobore kahit anong sabihin nya.

“I have this goal not to spend my allowance. Kasi I’m planning to have my Independence. Gusto ko kasing bumili ng condo yunit but I don’t want to ask for their assistance.” Explain ko kay Tyron.

“Ibang klaseng babae ka pala. I haven’t met someone like you. Lahat ng nakilala kong babae, swipe na lang ng swipe sa credit card without thinking of their parent’s expenses” iniisip nya rin pala yon. It’s good to know that we have the same perspective in life.

Nakarating kami sa office ng distributor at nabili nya yung exact book that we are lookin for, I told him to cover the book. Then he said that he will tell the truth to Ma’am April. Then we drive home. 

“ Why did we stop here?” tanong ko, he stopped the car sa mall malapit sa Southville.

“I’ll treat you, since you help me out of this mess. Gutom na din ako”  tapos hinawakan nya yung libro. Natawa ako bigla sa expression nya. Pumunta na lang kami sa Starbucks, He insisted to order kasi alam nyang nahihiya ako. Kumain kami. Nagkwentuhan kami about school and family life.Tapos bigla syang tumitig sa akin. Nakatingin lang sya at bigla nyang tinanggal yung thick glasses ko.

“You know, you are more beautiful if you remove this” nagblush ako. Hindi ko inexpect na titigan nya ko ng ganun.

“Thanks for the compliment” sinuot ko kaagad yung glasses ko.

“I could be a good friend. Since you know me now and I know you, I think we could be good friends” tapos inabot nya yung kamay nya. Nagshake hands kami.

“Yeah..sure!”  tapos tumayo na kami, he ask for my number and he drove me home.

“Goodbye, see you on Monday” sabi nya nung binaba nya na ko bahay. Sana hindi dun magtatapos ang lahat. Dream come true nga.

Pag-uwi ko, I rest for awhile. Then I open my desktop. Excited akong iadd si Tyron sa facebook. Sabi kasi nila privilege daw kapag friend mo si Erol at Tyron sa fb, bihira kasi sila mag-accept ng friend request kasi heartthrob sila. Pero ngayon I’m sure hindi nya ko irereject. Malamang hindi pa nakakauwi si Milky at talagang maganda ang gabi ko kasi hindi rin nagparamdam si Miller hanggang ngayon.

Mr. Heartless!Where stories live. Discover now