Crush

71 18 0
                                    

a.n. This is a requested dedication, it was rushed that's why it isn't as poetically rhyming as it may sound. It's written in tagalog, a version 2 will be published soon. Thank you!

Dedicated to my Crush,

Alam mo ba na-
gustong-gusto kita?
Gusto kita,
higit sa inaasahan.

Wala kang alam
sa aking nararamdaman
pagkat hindi ko napagtapat
Sa paraang dapat

Ako'y naduwag sa takot
na ikaw ay lalong lumayo
at lumisan bilang kaibigan ko.

Di kita mahabol
ang bilis mo.
Ni hindi man lang maabot
ang taas mo.

Papalapit pa lang,
susubukan pa lang at
mag lalakas loob pa lang ako
pero nariyan ka sa piling ng iba.

Para tuloy akong tanga-
naka-tingin sayo mula sa malayo.

Hindi mo ba nadarama,
pag hangga ko saiyo?

Hindi ka ba napapagod?
Bawat segundo, minu-minuto at oras-oras
takbo ka ng takbo sa puso't isipan ko

Akala ko mayroong pag-asa,
pag-asa na magkaroon ng tayo.
Ako'y umasa naghintay na-
darating ka at ako naman ay piliin.

Ngunit wala pala pagkat meron kang ibang,
sinisinta.

Isang araw,
ako'y binalot ng kalungkutan
aking nabalitaan ay
inyong hiwalayan

Ikaw ay
niloko, ginoyo.

Hindi tulad gagawin ko saiyo
kung ako sana yung pinili mo.

Pinalaya at pinaubaya na kita sa iba
sasaktan ka din naman pala.

Nagparaya para sa iyong-
ikasasaya.

Ngunit sa huli,
binitawan at iiwan
ka rin naman pala.

Akala ko sasabog ang aking puso
sa galak pagkat malaya kana
at nag ba-baka sakaling ako naman
ang piliin mo gaya niya.

Ngunit hindi pala
dahil nasasaktan ka
at nadurog
sa paglisan niya.

Ang sakit
sa pakiramdam
na mawaring
ika'y nag durusa.

Hindi mo man lang ako pansinin.
Tangina, putangina, ano pang mura ang kailangan bigkasin para ako naman? Ako naman sana ang iyong piliin.

Ako yung nandito
simula pa nung na.
Heto nanaan tayo
sa pag-asa.

Baka naman pwedeng ako yung piliin?
Na ako naman ang mahalin?

Sabik na sabik na-
akong makasama ka.
Ngunit parang napaka labo.

Malabo pa sa mata ng batang sumobra
sa pag gamit ng telepono,
gaya ng pag gamit mo saakin
upang maging panakip butas mo.

Isang araw naalala kong
hinahanggaan lamang pala kita.

Kaya sinabi ko saaking sarili na-

Hoy tanga,

Tama na, pero nasasaktan pa rin ako...

dahil roon ko pa lamang napag tantong minahal na kita at higit sa inaakala ko.

-

a.n. I hope you like it! If you did don't forget to press the star and leave a request in the comment section.

DedicationsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ