Kung Pwede Lang

46 11 0
                                    

A.N. Okay, this is not my work instead one of my dearest friends. She made it for her boyfried. Hope y'all like it.


---

Para sa lalaking nagpapatibok ng puso ko,

Sa bawat sandali
sana kasama kita
Napapahiling ng sana
ang oras ay tumagal pa

Sa bawat ngiti na nakikita
sayong mga labi, sa aking isipan,

Katagang "mahal kita" ay paulit ulit na sinasabi.

Kung pwede lang na,
sa pagpikit ng aking mga mata
Hanggang sa aking panaginip
Ika'y aking madama

Na kahit man lang sa imahinasyon ay makapiling kita
Kahit na ang realidad ay pilit tayong pinaghihiwalay sa isa't isa.

Kung pwede lang na
araw araw kitang makita

Hindi na magdadalawang isip na puntahan ka, na sa bawat lakad ng aking mga paa, ang siyang ikaw ang hinihiling na makasama.

Kung pwede lang padaliin
ang pagikot ng oras
Upang tayo'y hindi na
maghintay pa sa mahabang landas

Upang maari ng sambitin sa lahat ng tao;

na may ikaw at ako,

dito sa mapanlinlang na mundo.

Hindi ako magsawang maghihintay sayo
Aasahan ko ang mga binitawan mo pangako
Na sa pagsapit ko sa edad na labing walo
Liligawan mo ako at magiging tayo.

-

[a.n. UPDATE: BREAK NA SILA. Unfortunately, we somehow write the right poems for the wrong person. Let this be a lesson, never write a poem when you are still unsure. It'll only burden you when you grow apart.☁️]

DedicationsWhere stories live. Discover now