CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)

59 14 15
                                    

Author's Note : Kagabi pa sana 'to kaso sa sobrang lungkot ko para sa BTS at pagkainis sa Grammy nakatulog ako hahaha sayang puyat men!Char.Anyway manalo matalo proud pa rin ako sa mga baby ko❤️💕.

Hi sayo MaddoxTiger para sayo 'to💕I love you!😘Thank you for reading and supporting my story bhe💕

-TatasHart💕

__

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR
(Opening)

Angel's point of view

Maaga palang ay gising na ang lahat.Nakahanda ng sumabak sa interhigh.Suot suot nila ang uniform ng sports nila maliban saakin.Saka na ako magbibihis pag trip ko na.

"Halatang hindi excited hahaha"turo saakin ni Gaio habang inaayos ang gamit sa backpack niya.Tumingin naman sila saakin at natawa.Napanguso naman ako,ano namang nakakatawa?Hindi ko lang naman sinuot 'yong uniform ko dahil ayaw ko,at isa pa...hindi naman talaga ako excited tsk.

"Ikaw kaya mag suot ng uniform ko!"singhal ko rito.

"Kung pwede lang eh,kaso lalaki ako ikaw feeling lalaki lang"

Binato ko 'yong hawak hawak kong towel kay Gaio dahil sa sinabi niya pero nailagan naman niya 'yon.Sayang.

"Seryoso Angel, Hindi mo isusuot 'yong uniform niyo?"

"Yap.Ayoko,saka nalang"

"Paano pag kayo ang unang maglalaro?"

"Edeh magbibihis"simplehang sagot ko.Tinignan naman nila ako na parang napakatanga kong tao.

-_-

"Bakit?Kailangan ba bihis na agad?"ngusong tanong ko at napapakamot sa buhok.

"Hayst napakaignorante mo!"

"Hindi ka na bata hindi ba? Bakit parang wala ka pa ring muwang sa mundo"

"Tatanga tanga naman"

Mas napabusangot ako sa sinabi nila.Pwede namang itama nila ako pero nanlait pa kasi!.

"Hindi naman siguro maaga ang game nila,Ngayong year lang uli isinali sa sports 'yong drag racing eh...baka pang last kayo kasi mas exciting"Sabi ni Cole habang inaayos din ang gamit niya.

"Tama siya"pasang ayon ni Owen.

"Pwede ring mali,"sabat naman ni Shadow."Last year, 'yong billiards nga ang nauna eh"dagdag nito.

"Ah basta saka ko na isusuot 'tong uniform namin kapag trip ko na"pagtatapos ko ng usapan kasi pakiramdam ko pag nagtuloy ang pag uusap ay may mabubuong argumento.Kahapon...mukang hindi pa sila nakamove on don dahil kakaiba pa rin ang tension sa muka nila...at kasalanan ko 'yon.Buong akala ko pa naman ay okay na sila matapos ang araw pero mali ako.

"Anyway,Magaling ka ba talaga sa racing?"pag iiba ng usapan ni Lisa.Tinignan ko siya at mayabang na nginisian.

"Oh?Wala sa itsura"sagot ni Carl

"Judgemental ka kasi"sabat naman ni Sedan.

"Parang ikaw hindi ah"

"Hindi naman talaga"

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now