CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)

59 12 17
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR
(Bakit?)

Angel's point of view

Problema 'to.

Oo,nagkaayos na sina Oscar at Klein,Alam ko 'yon pero nagkaayos nga ba?.

Nag uusap sila,oo,nag kakasama,oo,hindi na rin sila nagkakainitan ng ulo kaya inisip namin na maayos na sila... pero ni isa saamin hindi nasaksihan kung paano nila naayos ang gusot nila,ang away nila ay hindi gaya ng nangyaring away nila Shadow at Sedan noon tungkol sa babae na naayos naman agad dahil may nagparaya.

Nagkaayos nga ba sila?

Natauhan lang ako sa pag iisip ng may kamay na humawak sa kamay ko at hinila ako patungo sa mga kasamahan ko na hindi na naman magkahumayaw sa pang aasar.

Agad kong binawi ang kamay ko. Hindi ko gusto 'yong bugso ng puso ko, nakakatakot. Sinamaan ko pa ng tingin si Chad na nakangisi. Inismiran ko siya bago tinalikuran at hinarap si Gaio na mapang asar na nakatingin pala saakin.

"Si Oscar?" tanong ko at agad namang niyang tinuro si Oscar na nakaupo sa isang upuan.Katabi niya ang mga kateam niya at sa harap ng coach nila na mukang binibilinan sila bago mag simula ang laro nila.

Sinitsitan ko siya at agad na napalingon naman siya saakin at ngumiti ng malaki. Sayang saya ah!

"I saw Klein, bakit umalis 'yon e malapit na magsimula 'yong laro?" napatingin kaming lahat sa kararating lang na si Justin. Nagtatanong na inilibot niya ang tingin niya sa aming lahat. Iniwas ko na ang tingin ko sakaniya bago pa dumako saakin ang tingin niya.

Nagsasalita pa pala siya? Akala ko pipi na siya! tsk.

"Ate Kia's here." si Chad ang sumagot at nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin sa gawi ni Kia si Justin at napatango.

Yeah, Kia, as in 'yong kapatid ni Klein na ex lover ni Oscar! Si Kia na may asawa na... pero ang Kia na nakikita ko ngayon ay nag iisa, ang sexy niya sa suot niyang damit,may koleriti pa sa muka nito na parang walang asawa at... anak kung kumilos.

"What the---" iniwas ko ang tingin ko sa babae nang nagsalubong ang tingin namin at nginitian niya ako. Ang pag iwas ng tingin kong 'yon ay saktong nadako kay Oscar na nakangiti pa rin hanggang ngayon pero... nakatingin siya sa gawi ng babaeng 'yon kaya wala akong nagawa kundi lumingon din uli sa babaeng 'yon at nakita ko na nakangiti ito ng mas malaki pa kanina habang kumakaway kay Oscar.

Seryoso ba ang babaeng 'yan? Aware ba siya na.... ugh! Wala 'atang tamang word para sa pinaggagawa niya.

Alam ko na kung bakit umalis si Klein. Hindi niya matagalan ang nakikita niya. 'Yon 'yon kasi ngayon... ganoon din ang nararamdaman ko. Hindi ko matagalan.

Aalis na nga ako,bahala sila diyan. Umirap ako at humakbang na.

"Where do you think your going?"

Isang tanong ang nakapagpatigil saakin sa paghakbang paalis doon. Nilingon ko si Chad at napabuntong hininga nalang dahil hindi lang pala siya ang nakapansin na aalis ako dahil lahat sila,nakatingin silang lahat saakin na para bang isa akong tangang tao. Malamang aalis ako kung kailan tumayo na ang mga player at magsisimula na ang laro.

Nagsimula ng magsalita ang speaker at pinaliwanag sa mga player ang. rules and regulations. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang laro.

Ang kabilang panig ang unang titira. Naupo si Oscar at ang isa nitong kasama sa upuan at pinanood nila ang pag tira ng kabilang panig. Magaling sa paghulog ang player na 'yon, matagal siyang nakatayo habang tinatantya ng mabuti ang titirahing bola at kapag natapos niyang tantyahin 'yon ay matagumpay niya 'yong tinitira ay nahuhulog.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now