CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT

9 1 0
                                    

Trigger Warning : mention of death and brutality. Read at your own risk.

CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
(died dead)

Angel's Point of View

Natulala ako sa nabasa. Nag-unahang magbagsakan ang mga luha sa mata ko.

Sumikip ang dibdib ko at medyo nahirapan akong huminga. Napahawak ako sa dibdib ko at nanghihinang napasalampak sa sahig. Hindi ko alam kung anong uunahin kong intindihin.

Ang tatlo sa amin... nasa hospital.

Nasunog ang hideout namin. O mas tamang sabihin na bahay namin.

Tapos...

Lesly is dead...

She's dead.

Patay na siya habang nasa tiyan pa niya ang anak nila ni Cole.

Namatay siya sa pagsabog ng bomba na nakatanim na sa kotseng sinasakyan niya.

Shit.

Doon ako mas lalong nanghina. Inalala ko muka ni Cole habang kinikwento niya ang mag-ina niya sa akin nang isang gabing magkasama kami sa pool. Sobrang saya niya.. Sobrang nakakahawa ang saya niya. Kitang kita sa mga ngiti niya na sobrang saya niya dahil sabi niya nga, sa wakas, magkakaroon na siya ng pamilya na pinagkait sa kaniya.

And it hits me!

Iyong gabing ding iyon ay pinuntahan ko si Rosh at pumayag sa deal niya! Nang gabing iyon nagtanim ako ng bomba sa kotse na sasakyan ng babaeng karelasyon ng Papa niya.

Ang kotse ba na sinakyan ni Lesly ang kotse na tinamnan ko ng bomba?!

Tangina?!

Hindi. Hindi, Angel. Pinilig ko ang ulo ko. Umiling iling ako. Hindi maaring ang kotseng tinamnan ko ng bomba ay iyong kotse na sinakyan ni Lesly. Hindi.. H-Hindi maari.. Hindi.. Hindi dahil ang tinamnan ko ng bomba ay ang kotse ng kinakasama ng Papa ni Rosh.

Tama. Oo.

Kumalma ka, Angel..

"Angel! Pull yourself together! We need to go back!" sigaw na paalala sa akin ni Chad na nakapagpabalik sa akin sa wisyo.

Dahil doon ay tinulungan ko siyang ayusin ang gamit namin. Hindi na kami nag-usap, parehong kinakabahan at nag-aalala sa mga kasama namin. Nagmamadali naman naming inayos ang gamit namin. Hindi na rin kami nakapag-paalam sa may ari ng hotel na tinuluyan namin ngunit nag-iwan naman si Chad ng pera sa kwartong tinuluyan namin.

Nakatago iyon ngunit tiyak naman na makikita nila. Hindi na kami nag-abala pang nagpaalam dahil natutulog na sila at ayaw na namin silang istorbohin pa. At isa pa, nag-mamadali kami.

Sobrang dilim ng paligid dahil ala-una pa lamang ng umaga. Malakas ang simoy ng hangin na yumayakap sa akin dahil nasa mataas na parte kami ng lugar. Nakadagdag iyon para lumala ang panginginig ko.

"Come here, Angel.." aya sa akin ni Chad. Senenyasan niya akong lumapit na ginawa ko naman. Isinuot niya sa akin ang jacket na hawak niya at sinara iyon.

Hinawakan niya ang kamay ko sa kanang kamay niya at sa kaliwa naman ay ang mga gamit namin. Sabay kaming naglakad patungo sa kotse niya.

"Kaya mong mag-drive?" tanong ko nang nasa loob na kami ng kotse.

"Yeah." tumango siya. Inayos niya ang buhok ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka niya hinalikan ang noo ko.

"Kalmado ka na?" tanong ko na naman. Hinawakan ko ang kamay niya at ramdam ko ang lang nito at sobrang nanginginig pa rin ito.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now