CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE

34 6 1
                                    

WARNING : This chapter content sensitive topic. Mention death, self harm, suicide and rape. Please if you can't take the topic you can free to leave. Read at your own risk. Thank you!

CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
(Time)

Angel's point of view

"Gusto ko simpling bahay, ’yong gaya ng kila Mang Pido?" sabi ko at nilingon ko si Chad. Tumaas ang gilid ng labi niya. "Gusto ko rin siyam na anak, ’yong gaya ng kila Mang Pido. Limang lalaki, tapos apat na babae." dagdag ko pa.

"Talaga? Gusto mo ng siyam na anak?" gulat na tanong ni Chad sa akin. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Tumango naman ako bilang sagot sa naging tanong niya na mas lalong kinalaki ng mata niya, umawang pa ang mga labi. Hindi talaga siya makapaniwala.

"Uh huh." tumango na naman ako at ngumiti ng malapad. "Tapos gusto ko kamukha mo lahat. Gusto ko ng limang bersyon mo ng lalaki, at apat na bersyon mo ng babae" I said in dreamy tone.

Naiimagine ko na agad ang magiging anak namin na kamukha niya lahat. Gusto ko ay kaugali niya rin. Tiyak na mahihirapan ako sa pag-aalalaga sa kanila pero hindi ko maiwasang ma-excite dahil lahat sila kaugali ng Papa nila.

May mang iirap sa akin, may magsusungit, pero maglalambing din pagkatapos kong pagalitan.

"Uh.. Angel.." Chad mumbled my name. Hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat sa mga sinabi ko at hindi makapagsalita.

Natawa ako sa inakto niya.

"Ayaw mo ng siyam?" kunwaring nagtatampong tanong ko.

Lumunok siya bago sumagot. "Gusto."

"Iyon naman pala eh! Bakit hindi ka nagsasalita riyan?"

"Nagulat lang. At isa pa... we're in public place right now... and they're all looking at us." saad niya.

Natigilan ako sa sinabi niya at wala sa sariling inilibot ang paningin sa paligid. Nasa kalenderia pala kami! At maraming customer na kumakain na naririnig ang usapan namin at nakatingin na sa amin ngayon!

Mabilis na tinakpan ko ang mukha gamit ang dalawang palad ko dahil sa hiya.

Sa sobrang hiya na nararamdaman ko gusto ko na lang mamatay!

Bakit ba kasi nakalimutan ko bigla na nasa public place kami?!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chad kaya mas lalo akong nahiya. Tumayo ako habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa muka at patakbong umalis roon. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Chad ngunit hindi ko na siya nilingon pa at tuloy lang sa pagtakbo palayo roon.

Tumigil lang ako sa pagtakbo nang makalayo na.

Nasa isang waiting shed ako ngayon at mahinang minumura ang sarili ko. Nawili ako masyado sa pagpaplano at pag-iimagine ng mangyayari sa hinaharap kasama si Chad dahilan para nakalimutan ko na nasa ganoong lugar pala kami.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now