CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)

79 11 12
                                    

Trigger Warning : Self Harming

CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO

(Plea)

Angel's point of view

Nilibot ang paningin ko sa huling beses bago ako pumasok sa loob ng court kung nasaan si Chad na nag hihintay saakin.

Pero wala...

Pinilig ko nalang ang ulo at iwinaksi ang kaba sa loob ko bago naglakad patungo sa court.Sinalubong ako ni Chad at sabay kaming naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga kasamahan namin.Nilingon ko uli ang labas ng court dahil ramdam ko talaga na may nakatingin saakin.

Pinagpapawisan ang mga kamay ko...para akong galing sa isang karera ng pagtakbo dahil bigla bumilis ang tibok ng puso ko...hindi na ako mapakali... pamilyar saakin ang pakiramdam na 'to...sobra...

Pinilit kong kumilos lang ng normal.

Binati nila kami at inasar pa dahil magkasama kami pero hindi eh...ang kaninang maganda at hinehele kong puso at kinikilig na kalamnan ko ay hindi na mapakali.

"Isang tukso mo pa tutusukin ko mata mo!" banta ko kay Gaio at nagawa ko pang ambangan siya ng batok.Agad naman ang pagnguso niya at pag layo saakin.

Umayos na sila at nagnood na ng laro...Wala na ang pansin nila saakin kaya muli... nararamdaman ko na naman..

"Hey you,you okay?"

Mabilisang paglingon ang ginawa ko sa nag tanong at ngumiti ng malaki at tumango tango pero kinunotan niya ako ng noo, hindi kumbinsido sa naging reaksyon ko.

"You look... nervous." bakas sa muka niya ang pagtataka.Bahagya niyang iniyuko ang ulo para magpantay kami.  "There's  something wrong? What's bothering you?" muling tanong niya.

Umiling ako at tumawa kahit na gustong gusto kong kumapit sa mga braso niya ,hawakan ang mga kamay niya,yumakap sakaniya dahil sa tuwing ginagawa niya 'yon nakakaramdam ako ng pagkakalma, nakakaramdam ako na ligtas ako at hindi magagalaw ng iba dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaba na aking nadarama pero nanaig saakin ang pag iisip kong anong iisipin niya kapag ginawa ko 'yon at hindi ko sasabihin ang dahilan...baka isipin niya pang stinastansingan ko siya.

Kinabahan ka na nga 'yan pa ang inisip mo!

Huminga ako ng malalim.Pilit na kinakalma ang sarili.

Huling naramdaman ko ang pakiramdam na 'to...pitong taon na ang nakalilipas...

Sobrang tagal na nang huling naramdaman ko 'to...kaya mas doble ang kaba ko ngayon dahil.... bakit? bakit ganito?bakit ako kinakabahan?...

"You sure?" paninigurado niya.

"Oo naman!Natatae lang kasi ako kaya medyo...medyo lang naman" sumenyas pa ako gamit ang kamay na kaunti lang na medyo lang. "Kinakabahan ako baka magkalat ako rito---hehehe joke lang" agarang bawi ko agad sa sinabi kong palusot dahil pailalim na kung makatingingin ang lalaki saakin,nagbabanta.

Hindi na muling nagsalita si Chad o nagtanong pa.Gaya ng iba ay nanood na rin siya ng laro.Pinilit kong ituun sa laro ang atensyon ko.

Pero ang hirap...

Nilalaro ko ang kamay kong pawisan at itinatap ang sapatos ko sa sahig para naman mawala ang kakaibang kaba na nararamdaman ko at matuun doon ang atensyo ko.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now