CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY

66 9 3
                                    

Author's Note : I don't want to write the full version of Chad tattooing Angel, I'll leave that in your imagination HAHAHA.😉

-Tatashart

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
(Eat the frog)

Angel's point of view

Nakapikit lang ako buong magdamag. Gusto kong matulog pero kahit na anong gawin ko ay hindi man lang ako makaramdam ng antok.

Pabaling baling ako sa kinahihigaan ko pero wala akong mahanap na pwesto na komportabli akong makakahiga ng maayos.

Hanggang ngayon... ramdam ko pa rin 'yong sakit.

Maling mali. Wrong move ka Angel!

Hindi ko maintindhan ang nararamdaman ko. Gusto kong matuwa dahil sa nangyari, inaasahan ko naman 'yon e, 'yong sakit na mararamdaman ko kapag nangyari na pero pa rin talaga kung nangyari na talaga mismo.

Napahawak ako sa itaas ng dibdib ko kung nasaan ang tattoo na si Chad mismo ang nagtattoo. Napapikit ako at napangiti.

Nababaliw na ako.

Masakit pa rin 'to at ramdam na ramdam ko ang hapdi. Inaasahan ko naman na 'yong sakit kasi naranasan ko naman na 'to sa kamay ni Gaio pero hindi ko naman inaasahan na hindi siya gentle magtattoo gaya ni Gaio. Para niya akong pinanggigilan!

Nag init ang muka ko nang bumalik sa ala ala ko ang nangyari kani kanina lang. It was a mind-blowing! He was smiling while tattooing me kaya 'yong sakit sa huli ko naramdaman. Parang alak lang, sa huli 'yong tama.

Hindi pa alam ng mga kasamahan namin na may tattoo na ako. Ang sabi ni Chad ay hayaan ko na lang daw na sila na mismo ang makakita at ang tamang oras para roon ay ang pag punta namin sa resort nila Carl.

Bumagon ako. Iinom nalang siguro ako para kahit papaano ay antokin. Nang nasa hagdan ako at pababa na sana pero napahinto ako nang makarinig ako ng mga boses.

Sumilip ako at nalukot ang muka ko nang makita na kompleto na naman sila.

Ayan na naman.

Ano na naman bang meron? Anong oras na! Alas dos na ng madaling araw at ito silang lahat? Nasa sala at nag uusap usap habang ako ay naroon sa kwarto at walang kaalam alam.

Huminga ako ng malalim para kumalma.

Hindi ko alam kong ano ng mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako? Maiinis ba ako? Magtataka ba? Hindi ko alam pero nasisiguro ko naman na hindi ako ang pinag uusapan nila o kung ano mang patungkol saakin... pero ano bang pinag uusapan nila?

Ginulo gulo ko ang buhok ko at umaktong kagigising ko lang habang pipikit pikit pang naglalakad pababa. Napatingin silang lahat saakin nang pekeng humikab ako.

"Gandang bungad ng maagang umaga." usal ko saka ngumisi. Inayos ko kunwari ang buhok ko na ako rin lang ang gumulo at kinusot pa ang mata.

Nakatingin lang sila saakin at ayan na naman ang reaksyon nilang hindi alam ang gagawin.

"Good morning." Inaantok na bati ko at nilagpasan sila na parang wala lang saakin na nasa harap ko silang lahat at pumunta sa kusina at kumuha agad ng in can na alak at walang alinlangan kong tinunga 'yon.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now