𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙎𝙚𝙫𝙚𝙣 :

445 30 0
                                    

Third Person POV :

Madilim pa sa labas ng magising ang dalaga upang maghanda sa kanyang pinapasukang trabaho, tuwing alas kwatro ng madaling araw lagi itong nagigising marahil sa nakasanayan na nito ang bumangong ng ganoong kaaga.

Doing her daily routine, Kai sit up on her bed tossing her blanket aside then go straight in her bathroom, taking a bath to wake her slumped body and brushed her teeth then after she immediately put on a bath rob.

Going straight to the kitchen while drying up her hair to see her A.I bot serving her some breakfast.

"Good morning master." Bati nito sa dalaga na binati rin ito pabalik.

"Gin, inform me if anything happen here and also please keep an eye on lola Gena next door."

"Yes master."

"Thank you."

At nagpatuloy na nga ito sa pagkain ng kanyang agahan. Matapos kumain ay dumiretso ito sa kanyang kwarto at pumuntang walk in closet niya para makapaghanda na sa pag-alis.

Nakasuot ito ng loose white t-shirt, dark blue sport pants at black converse. Habang nakatali naman ang buhok niya in a low ponytail na abot likod.

Nang matapos ay kumuha ito ng black cap at black face mask kasabay ng paghablot nito sa kanyang dark blue shoulder bag.

Paglabas ng kwarto ay nagpaalam na ito sa kanyang A.I at kinuha ang electric folding scooter nito sa kanyang pag-alis sa condo na pagmamay-ari.

Sa paglabas nya ng elevator dala-dala ang electric scooter ay binati ito ng mga naka duty at ng security guard na tinanguan nya lang sa kanyang pagdaan.

°°°°

Sa daan papuntang pinagtatrabahuan ay hindi nito alintana ang lamig ng simoy ng hangin, tila dinarama pa nito ang paghampas ng hangin sa kanyang balat.

Tahimik pa ang daang kanyang tinatahak sa kadahilanang tulog pa marahil ang mga ito at payapang nagpapahinga para sa panibagong araw. Iilan pa lamang ang mga taong makikita na pumupunta sa mga istablisyamento para magbukas at makapaghanda. Mga ilaw na binubuksan at mga taong nag-aasikaso para sa panibagong araw.

Ito ang masasabing payapa para sa dalaga.

Pagkarating sa lugar na pinagtatrabahuan ay kinuha nito sa kanyang bulsa ang isang spare key na ibinigay ng manager nila sa kanya sa kadahilanang siya palagi o madalas ang nauuna sa pagdating sa trabaho.

Nang makapasok ay agad din itong pumunta sa kanilang locker room upang makapagpalit ng kanilang uniform sa trabaho. Nang makapagbihis ay ginawa na nga nito ang mga dapat ihanda.

Una ay ang pagma-mop ng sahig, sumunod naman ang pag-aayos ng mga silya, pagpupunas ng mga lamesa, paglilinis ng glass window at ang huli ay ang pagbe-bake ng mga ibibentang cakes, cupcakes, muffins at sandwiches.

Sa pagdaan ng bawat minuto ay unti unti ng nagsisidatingan ang iba pa nyang mga kasamahan na hindi na kinagulat na ito ang nauna sa pagdating ngunit hindi maaalis ang paghanga ng mga ito sa kasipagang taglay ng kanilang kasamahan.

Napapangiti at iling nalang ang mga ito dahil hindi lang man sila nito napapansin na dumadating isa-isa sa kadahilanang mas naka-focus lang ito sa kanyang ginagawa at napapatingin nalang sa kanila kapag nasa tabi na sila nito.

Sanay na ang mga ito, dahil noon pa man na bago pa lamang ito ay wala na itong imik at magsasalita lang kung kailangan.

°°°°

Kaiden's POV :

Nagpupunas ako ng table na inalisan ng isang customer kanina, nang tawagin ako ng isa sa mga co-workers ko na si Bernard.

Papunta na ako sa counter ng may nahagip ako na lalaking madudulas at tutumba na sana. Buti nalang at nasa may bandang tabi ko lang siya kaya nahawakan ko pa ang braso niya para maiwasan ang pagbagsak niya.

Napatingin ito sakin, kaya tinignan ko rin siya. Sa sandaling iyon nagkatitigan kami ngunit naputol yun dahil tinawag na naman ako sa counter. Kaya tinulungan ko nalang itong nasa harap ko na makatayo ng maayos ng makaalis na ako ng tuluyan.

"Are you okay, Sir?" Tanong ko dito na kinatango nya lang kaya iniwan ko na siya doon at pumunta ng counter.

'Basa pa ata yung sahig kaya nadulas yun'
Sa isip-isip ko habang naglalakad papunya sa gawi ni Bernard na kanina pa pala nakatingin sa gawi ko.

°°°°

Someone's POV :

Katatapos ko lang mag order sa counter kasama ang kaibigan ko na si Morrel at maghahanap na sana kami ng mauupuan. Nang kamuntik na syang madulas mabuti nalang at mabilis syang nahawakan sa braso ng isa sa mga stuff na lalaki dito. Kung hindi naman kase sya nagmamadali maglakad.

Tinignan ko yung tumulong sa kaibigan ko. Mahaba ang buhok na may kulay blue green ang dulo. Hindi ko masyadong makita ang muka nya dahil nakatalikod ito sakin pero base sa postura nito ay masasabi kong may maganda itong pangangatawan.

Hindi ko na nagawang pumunta sa kinaroroonan nila agad dahil nagsimula ng umalis yung lalaki pagkatapos maitayo ng maayos si Morrel na hanggang ngayon ay sinusundan pa din ng tingin ang stuff na tumulong sa kanya.

Nang makaalis na yung lalake hinila ko na yung kasama kong nakatayo lang dun at nakatingin kung saan pumunta yung stuff. Nakaupo na kami ngunit nakatulala pa din itong kasama ko.

"Ano dude? Nabakla ka na ba? Tsaka nagpasalamat ka ba?" Natatawang tanong ko dito na nakakuha ng atensyon nya.

"Baliw! Ako bakla?! Suntukan nalang oh!" Naiinis nitong sagot sakin na kinatawa ko pa. Lakas makadeny kala mo hindi na awestruck dun sa tumulong sa kanya. Ngunit natahimik ito bigla kaya nagtataka ko naman itong tinignan habang nakapalumbaba.

"....Di man lang ako nakapag thank you.." Usal nito sabay sapo sa noo nya.

"Nakatulala ka kase doon eh tapos hindi ka pa pala nag thank you. At kailangan pa kitang hilahin sa pwesto mo." Pang-aasar ko sa kanya.

"Kung ikaw kaya nasa posisyon ko kanina paniguradong matutulad ka din sakin Kian! Sinasabi ko sayo!" Ows talaga lang ah? Sino ba yun? Di naman ata masgwapo sakin yun eh.

"Bakit gwapo ba? Mas gwapo ako t*ng*."
Pagbibiro ko dito sabay pogi sign.

"Mangarap ka." Poker face na saad nito habang nakatingin sakin.

Tatawa pa sana ako ngunit ang sumunod nitong sinabi ang nagpatameme sakin ng husto.

"Mas gwapo pa sayo yung stuff. No scratch that! Sobrang gwapo nya."

' The fuck..... Nabakla na yung kaibigan ko.'

The Emotionless GeniusWhere stories live. Discover now