Prologue

1.1K 14 0
                                    

                         PROLOGUE

ISANG panaginip iyon. Tumatakbo nang mabilis si Natalie. Sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Hindi niya kilala ang mga tao at ni hindi alam kung saan siya nakatira.
Hirap na hirap siyang dalhin ang sarili. Suot niya ay isang mahabang damit. Tila nasa isang makalumang panahon siya!
Pagkatapos ay bigla na lamang natigilan si Natalie. Isang magara at makabagong sasakyan ang huminto sa kanyang harap. Isang makabagong sasakyan sa makalumang panahon? Parang imposible!
Mula roon ay umibis ang isang lalaki. Isang lalaking hindi pamilyar kay Natalie.
Yumukod ang lalaki sa harap niya at hinagkan ang kanyang palad. Para siyang hihimatayin sa tuwa. Nakasuot ang lalaki ng magarang kasuotan. Maayos na maayos ang pagkakasuklay ng buhok. Sa isang tingin pa lang ay tila napakamaginoo na nito.
At ito na marahil ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Natalie...

Broken Heart - Elizabeth McbrideWhere stories live. Discover now