Graduation (18)

6 0 0
                                    

"Happy graduation sa atin, Enzo!" masaya kong bati sa kaniya pagdating niya sa bahay namin. Kumpleto kami ngayon para icelebrate ang graduation day namin ni Enzo.

"Congrats Ashley, akala ko 'di ka makakapasa eh" pang-aasar niya sa akin.

"Ako? Hindi makakapasa? Eh with honor nga ako since 1st Quarter duh" pagyayabang ko.

"Ako rin naman" ganti niya.

"Oo na! nga pala, may gift ako sayo" excited na saad ko bago ko iabot sa kaniya ang isang box na katamtaman lang ang laki.

"Ako rin, meron" iniabot niya sa akin ang isang paper bag na kulay purple, my favorite color.

Sabay naming binuksan ang regalo namin para sa isa't isa at parehas naman kaming natuwa, kaso saglit lang ang kaniya. Nawala rin agad ang tuwang iyon nang mabasa niya ang nakasulat sa dedication card na "i still like you".

Bumuntong hininga ito at malungkot na tumingin sa akin. "Ash naman-"

"Hindi mo ako kailangang ireject nang paulit-ulit. Lagi ko namang alam yung sagot." nakangiti kong saad.

"Ash taon-taon na lang akong may natatanggap na confession galing sayo. Bakit sinasabi mo pa rin nang paulit-ulit kung alam mo na 'yung sagot?" mahinang tanong niya na sapat lang para marinig ko. Tinignan ko siya sa mata habang nakangiti na ikinabuntong hininga niya naman.

"Kasi hindi ko naman sinasabi 'yan para sa magiging sagot mo, sinasabi ko 'yan dahil gusto kong ipaalam at ipaalala sayo na meron kang ako na laging humahanga sayo" nang marinig niya iyon ay nginitian niya ako. Mukhang naiintindihan niya na.

"Salamat, Ash."

Maaaring sa kabilang buhay paWhere stories live. Discover now