Christmas (19)

6 0 0
                                    

"Merry christmas!!" masayang bati ko kay Enzo pagdating niya sa aming bahay. Ganito na kami lagi tuwing may okasyon dahil tinuturing na siyang pamilya ng pamilya ko. Nag iisa lang na anak si Enzo at namatay na rin ang kaniyang magulang sa aksidente kaya naman wala na siyang ibang pamilya bukod sa amin.

Nginitian ako nito atsaka yinakap na ginantihan ko rin. "Merry christmas din, Ashi ko" Tumagal ang aming yakapan nang biglang maalala ko ang regalo ko sa kaniya, kaya naman humiwalay muna ako. "May gift ako, wait kuhain ko lang sa taas" agad kong tinakbo ang hagdan paakyat sa aking kwarto. Pagkakuha ko ng isang paper bag ay bumaba rin ako agad para iabot 'yun kay Enzo.

"Enzo oh!" sambit ko habang tumatakbo palapit sa kaniya na kanina lang ay abala sa pag-aayos ng mga regalong natanggap niya galing sa pamilya ko, ngunit itinigil niya rin nang marinig ang aking pagtawag.

Tinanggap niya ang regalo at kasabay naman nun ay ang pag abot niya rin ng regalo sa akin. "thankies" masayang saad ko.

Napansin niya agad ang card na naka-staple sa gilid ng paper bag. Tinignan niya ako nang may ngiti sa kaniyang labi. "Salamat, Ash" Saad niya habang nakangiti, totoong ngiti. Alam kong ang pasasalamat na iyon ay hindi para sa regalo, kung hindi para sa salitang "Gustong gusto pa rin kita, Enzo^^" na nakalagay sa card, na nangangahulugang andito pa rin ako, humahanga sa kaniya.

Maaaring sa kabilang buhay paWhere stories live. Discover now