Another painting (20)

2 0 0
                                    

Halos isang taon na rin nang sabihin sa akin ni Ash na may bago na siyang nagugustuhan. Halos isang taon ko na rin palang finifigure out kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ngayon alam ko na.

Pinapanood ko lang siya magpinta. Napakaganda. Hindi ng pinipinta, kundi ang mismong nagpipinta. Habang pinagmamasdan siya ay parang may tumutulak sa aking aminin na ang nararamdaman ko. Ito lang ang unang beses na maglalakas loob akong sabihin ang nararamdaman ko. Nakakakaba pero...bahala na.

"I like you." kinakabahang saad ko sa kaniya na abalang abala ngayon sa pagpipinta. Deja vu.

Tumingin ito sa akin sabay natawa "Seryoso ba 'yan? Out of nowhere ah." natatawang tanong nito.

Agad na nawala ang kaba ko at napalitan ng hiya "Oo nga! Ash wag mo naman akong tawanan, di naman kita tinatawanan noon ah" napakamot na lang ako sa ulo ko habang nakayuko. Ngunit napaangat din ako nang 'di ko na narinig ang pagtawa niya.

Natahimik siyang sandali at naging seryoso ang kaniyang itsura. "Enzo, alam mo namang may gusto ako kay Troy, diba?" kahit na nasaktan sa sinabi niya ay pilit akong ngumiti.

"Oo na! Baliw na baliw ka talaga doon! Tara na nga, tapusin na natin 'yang project mo!" Saad ko habang natatawa, kahit na sa kaloob-looban ay nasasaktan ako.

Ganto pala ang pakiramdam ma-reject. Pinagsisisihan kong paulit-ulit kong ginawa sa kaniya noon.

Maaaring sa kabilang buhay paWhere stories live. Discover now