New year (20)

2 0 0
                                    

"Happy new year, mama. Happy new year, papa" bungad na pagbati ko sa parents ni Ash pagpasok ko sa bahay nila. Humalik ako sa pisngi ni Mama at nagmano naman ako kay papa.

"Mamaya pa naman yun nak, excited ka talaga." pabiro akong hinampas ni mama habang natatawa.

"Ganon din po yun, mama" sagot ko at natawa rin "Si...Ash po?" pagkatanong ko nun ay biglang bumusangot si mama, mukhang nainis. "bakit ma?"

"Hay nako, ewan ko ba sa batang 'yon. kanina pa nasa kwarto, hindi nalabas. Sa halip na makatulong siya rito sa paghahanda eh wala! Andun sa kwarto, nagkukulong. Hay nako silipin mo na nga lang doon nak at masasabunutan ko na yan" kahit na medyo nagulat sa biglaang pagrarant ni mama ay tinawanan ko na lang ito atsaka inakbayan para pakalmahin.

"Kalma ma, sayang ang ganda. Hayaan n'yo po, pupuntahan ko." saad ko habang tinatapik tapik ang braso ni mama.

"Hay nako, Enzo. Kanina pa naiistress yan kay Ash, pati ako ay naiinis eh. Mabuti pa nga at puntahan mo na." sambit naman ni papa.

"Masyado po kayong stress ma, pa, wag kayong mag alala, para di na kayo mastress, may ibibigay na lang ako sa inyo" humiwalay ako kay mama atsaka tumakbo sa sofa na pinaglagyan ko ng regalo ko para sa kanila. Kinuha ko ang regalo ko kay mama at papa atsaka bumalik sa kusina para iabot iyon sa kanilang dalawa. "Ito na po yung gift ko ma, pa" tuwang tuwa kong saad na ikinatuwa rin nila "puntahan ko na po si Ash ah" pagkasabi ko nun ay agad din akong tumakbo paakyat sa kwarto ni Ash. Naririnig ko pa ang pagsigaw nila mama at papa ng salamat kaya't sumigaw na lang din ako ng "WALANG ANUMAN PO!"

Dahan dahan kong pinihit ang pinto ng kwarto ni Ash para silipin siya. Nakita ko itong nakadapa sa kaniyang kama at halatang busy sa pagla-laptop. Naka-headphones pa.

Binuksan ko na ng tuluyan ang kwarto at pumasok na. Habang palapit ako ay napansin kong nakangiti siya habang nakatingin sa screen. Mukhang hindi pa ako napansin.

"Ash, baba na" pagtawag ko ngunit mukhang di niya narinig. "Ash" pagtawag ko ulit, inaasahang maririnig niya na ngunit hindi pa rin. Bilang isang mainipin na tao ay inalis ko ang headphones sa ulo niya.

"Ano ba?!- Enzo??" Mukhang nagulat siya sa pagtanggal ko ng headphones sa tenga niya kaya galit siyang napasigaw pero napalitan naman agad yun ng ngiti nang malaman niyang ako ang nagtanggal. "Huy, buti andito ka na! Upo ka! May ichichika ako!" tuwang tuwa niya akong hinila paupo sa kama niya.

Kinuha niya ang laptop niya at may pinakita sa aking picture. Picture yun ng lalaking nakasabay namin dati.

"Ano? Pogi ba?" gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa tanong na ibinato niya sa akin. Unang beses lang siya naging ganto. Hindi ako nakasagot dahil doon at nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. "Huy ano? Pogi? Kilala mo 'to eh. Nakasabay na natin 'to dati nung 1st year tayo!" Tumingin ulit ito sa laptop nang may malaking ngiti sa labi.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya nang biglang lumingon ulit ito. "Enzo ano? Kanina pa ako nagtatanong." Mukhang naiinis na siya dahil namumula na ang tenga niya.

"Ay sorry, inaalala ko kasi yung lalaki. Di ko talaga siya matandaan." pagsisinungaling ko at tumingin na lang sa ibang direksyon.

"Pero pogi?" ba't niya ba tinatanong nang tinatanong 'yan?

"Pwede na. Tara na, baba na tayo. Kanina ka pa tinatawag nila mama. Kaya pala hindi mo naririnig kasi naka-headphones ka." pag-iiba ko ng usapan. Hihilain ko na sana siya patayo sa kama niya pero hinila niya ulit ako pabalik. Ayaw ko na rito. Ayaw kong pag usapan ang lalaking yon. May ayaw akong marinig.

"Gusto ko siya"
...
...
...
tangina, sabing ayaw ko marinig eh.

"Ah? sige. tara na, baba na tayo" tumayo na ako papunta sa pinto at palabas na sana nang bigla siyang magsalita.

"Hindi ka ba masaya para sa akin? May iba na akong gusto, so ibig sabihin non hindi na kita kukulitin."

Tama ka nga, ash. pero bakit ayaw ko? bakit ang gulo? bakit parang gusto kitang ipagdamot?

Maya maya ay naramdaman ko itong naglakad palapit sa akin. Nasa likuran ko na siya ngayon. "Nalulungkot ka ba? Enzo naman eh, hindi naman porke hindi na kita gusto, hindi na ako humahanga sayo. Humahanga pa rin ako sayo, palagi pa rin akong humahanga at hahanga sayo."

Alam ko ash, pero hindi naman ayun yung ikinalulungkot ko eh. kung ano? hindi ko rin alam. masyadong magulo.

"masaya ako para sayo. baba na tayo" sagot ko sa mga sinabi niya nang hindi siya nililingon. Sakto namang biglang nag-alarm ang cellphone ko, tanda na alas dose na. "Happy new year, Ash" pagtapos kong sabihin yun nang hindi man lang siya tinitignan ay bumaba na ako at nagpeke ng ngiti sa harap nila mama. Nagpapanggap na masaya na para bang hindi ako nasaktan ng anak nila.

Maaaring sa kabilang buhay paWhere stories live. Discover now