Enzo

6 0 0
                                    

Sa malungkot na buhay at mag isa, laging andyan si Ash at ang pamilya niya para samahan ako. Hindi ko kakayaning mawala sila sa akin, lalo na si Ash, dahil kaibigan ko siya na para ring tunay na kapatid.

Nakatambay ako ngayon sa waiting shed ng university namin habang hinihintay si Ash. Mula sa malayo ay tanaw ko na ang pigura niya. Alam kong siya 'yun pero...hindi lang siya mag isa.

"Ash!" pagtawag ko sa kaniya habang kumakaway.

"Enzo!" masaya nitong sigaw sabay turo sa akin. Napatingin siya sa kasama niya at hinila ito patakbo papalapit sa akin. Kung normal na araw lang ito ay siguradong macu-cute-an ako kay Ash pero iba ito...may kasama siya habang tumatakbo, at hawak niya pa ito sa kamay.

"Enzo sorry natagalan ako! Ito kasi eh, nagyaya pa kumain ng ice cream sa canteen." Hinihingal nitong saad sabay hampas sa kaniyang kasama.

"Okay lang, tara na?" pag-aya ko sa kaniya.

"Oo, tara! Sabay siya sa atin ha" lihim akong napairap nang tignan ko ang lalaki na kasama niya. Bakit kasi kailangang kasabay pa 'yan? Buong byahe pauwi ay para lang akong hangin dahil masyado silang masaya at abala sa pagke-kwentuhan.

Magkatapat lang ang bahay namin ni Ash kaya doon na rin ako dumidiretso sa kanila pagkauwi namin galing sa school. Uuwi lang ako ng bahay pag gabi na. Minsan nga ay hindi na at doon na lang ako natutulog kila Ash dahil mayroon naman akong kwarto ro'n. Pinagawaan na rin kasi ako nila mama at papa, mga magulang ni Ash na anak na rin ang turing sa akin.

Nakakapagod ang araw na ito para sa akin. Tila ba parang may kulang...at 'yun ay ang pahinga. Pahinga na nakakamit ko lang sa piling ng isang tao, pero hangin niya lang ako kung ituring kanina.

Habang pauwi, napagpasyahan kong ihahatid ko lang si Ash sa harap ng bahay nila at uuwi na rin ako sa bahay ko kaya naman ayun nga ang ginawa ko.

"Enzo? Saan ka?" nagtatakang tanong nito nang mapansing hindi ako nakasunod sa kaniya sa pagpasok.

"Sa bahay ko" sagot ko sa namimilosopong tono.

"Enzo, di ka ba mags-stay rito ngayon? Mayang gabi ka na lang uwi" sumimangot ito at akmang palabas na ulit ng kanilang gate.

"Hindi muna, kailangan kong magpahinga, Ash." matamlay kong saad.

"Edi dito sa kwarto mo!" masigla niyang saad. Abot tenga ang kaniyang ngiti habang hinihintay ang sagot ko, ngunit nawala rin agad ang ngiting iyon nang matanggap niyang hindi niya talaga ako mapapapayag. "Hays sige na nga, basta bukas ha. Dito ka na ulit umuwi. Babye" kumaway ito bago pumasok sa loob ng kanilang gate. Kumaway na lang din ako at dumiretso na sa bahay ko.

Pangako uuwi ako bukas...sa tahanan ko.

Maaaring sa kabilang buhay paWhere stories live. Discover now