6: I Set Myself On Fire

111 2 0
                                    

It's been week and several days after I let Lalisa stay at my house. Tulad ng napag-usapan wala naman siyang gulo na dinadala sa buhay ko. She really was good at cooking, inalis niya ako sa usual na kinakain ko when I was alone pa. Like I'm having heavy breakfast now cause she really insist that I would need it all through out the day knowing how I annoying she is on convincing me wala na akong nagawa kung hindi pumayag.

I think I set myself on fire when I accepted her as my cook dahil yun lagi ang simula ng mga petty fights namin. Sa umaga. God I freaking remember that day when she was really so persistent to get me eat my breakfast, literal niyang hinaharangan yung mga pintong dadaanan ko.

Seryoso mapapatay ko siya nung araw na yun dahil I have so many things ahead of me that day and there she is causing me more delays. Kung nakakamatay lang talaga ang eye roll at irap matagal ng dead on the spot 'tong babaeng to.

As a cook hindi rin naman siya nagkulang kahit halos wala ako sa bahay kasi pag-uwi ko either aabutan ko siyang nagluluto or nakahain na sa dining table. Isa pa yun sa mga nabago nung dumating siya sa buhay ko. I no longer eat at the bar counter, because she's insisting na kaya ako may dining table para kainan at hindi ipangdisplay. Anyway, lagi siyang may pa-fiesta kahit dalawa lang kami. Hindi bababa sa dalawang putahe yung hinahain niya kapag sinipag siya tatlo pa nga but she magically can calculate how much we can consume kaya walang left-overs. Take note ha, magkaiba pa ang pagkain sa umaga at sa gabi which kung ako lang siguro mag-isa baka kung anong breakfast ko, yun na rin hanggang dinner.

It's Sunday and nasa grocery store kami ngayon. Since luto nga siya ng luto, tumataas na rin ang demand ng food supply ko which I don't mind because it makes my stomach happy.

"So sa tingin mo ano munang bibilihin ko rito?" she's tapping her pen on her cheek, nag-iisip siya kung anong bibilhin niya dun sa mahabang listahang dala-dala niya, mga ingredients ata yun ng mga lulutuin niya in the coming days. Gusto niyang bawasan yung nasa listahan cause she thinks that the item on the list are over budget.

"Damn, just grab everything that will fit in the fridge." I sigh, kanina pa kasi kami nandito at yung stock ko palang ng energy drink and personal neccesities ang nasa cart.

"You do know how big your fridge is right?" she look at me.
"Yes, and I'm saying that just buy all the items on your freaking list so we can proceed." I rolled my eyes, magtitipid pa siya e kaya ko ngang bilhin 'tong buong mall kung gugustuhin ko. Doesn't she have any idea of that by now?

I stared at her but she's the first one to look away going to the wet section. In fairness, she doesn't look poor. From her physical aspect para siyang may lahi. The way she speak parang fluent naman siya in english and mukhang may pinag-aralan naman. Kahit na nag-aaway kami over small things its not hard to see the good in her. Nawala na nga sa isip namin yung arguement namin about her things noon. I never tried to bring up the topic again as a respect on her privacy.

***

When we got home, agad kaming pinagbuksan ng gate ni Manong Jerry so I can park my car inside. He was very thankful to Lalisa kasi I didn't fire him out kahit na nalaman kong he's sleeping beyond his shift kaya ilang beses nakapuslit tong babaeng 'to sa tabi ko. They even got close pati na yung kapalitan niya sa shift kasi lagi rin silang binibigyan ni Lalisa ng mga luto niya so nakakalibre sila ng meals everyday. Nginitian naman siya ng guard from the window so she retorted it with a smile also.

She was a very happy person, she always take things lightly and with a smile, minsan I find it annoying na kasi may mga times na nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin at biglang ngingiti. Sira ulo diba? Do I look like a joke?

The Truth About Her ~ JENLISA (HIATUS)Where stories live. Discover now