PROLOGUE

2K 31 4
                                    

PROLOGUE

␈✞︎☠︎︎✞︎␈

“PLEASE PO PAKAWALAN NYO AKO!” Halos mamaos na ako kakasigaw para lang marinig ako ng mga taong nagbabantay sa labas.

Masaya kung binabaybay kanina ang daan papunta sa aming bahay ng biglang may humarang sa aking isang itim na SUV at sapilitan akong pinasakay roon.

Tinali at piniringan ako ng makapasok ako sa sasakyang iyon. Halos tawagin ko na lahat ng Santo, ipinagdadarasal na sana panaginip lang ang nangyayari ngayon.

Sigaw lang ako ng sigaw upang humingi ng tulong ngunit wala man lang ni isang nakakarinig sa akin mula sa madilim na silid na ito. Nagising nalang ako kanina mula sa pampatulog na pinaamoy sa akin pagmulat ko ay nakahiga na ako sa isang malambot na kama nitong silid. Wala na ang paring sa aking mata at ang gapos sa aking kamay pero kahit ganun ay hindi parin ako makagalaw ng maayos dahil sa dilim nitong paligid.

Subrang dilim ang lahat ng paligid na halos hindi ko na makita ang kinaroroonan ko. Sa palagay ko ay nasa kulungan ako, wala man lang gamit akong nakapa o natapik ng sinubukan kung hanapin ang pinto nitong silid.

Sumasakit lang ang aking mata sa tuwing pinipilit kung pakatitigan ang kadiliman nitong silid.

Kung alam ko lang sana na ito ang huling sandaling matatanaw ko ang aming paaralan at magandang tanawin ng aming kabukiran ay nilubos ko na.

Isa lang ako sa anak ng magsasaka at tindera ng gulay sa palingke kaya di ko mawari kung bakit narito ako sa silid na ito.

Kakamatay lang ng matalik kung kaibigang lalaki nang dahil sa aksidente. Simula noong pangyayaring iyon, dun na nagsimula ang kalbaryo ng aking buhay.

Lahat ng mga estudyante sa paaralang pinapasukan ko ay SALOT ang tawag sa akin. Isang sumpa, Dahil daw sa akin ay namatay ang matalik kung kaibigan.

Walang nangahas na kausapin ako simula ng araw na iyon. May nagbalak na kumaibigan at kumausap sa akin ngunit nauuwi lang din sila sa pambubully ng ibang estudyante kaya napipilitan silang layuan ako.

Ang dati kung mga kaibigan ay kinadidirian na ako ngayon. Kung siguro ganto din ang pinagdaanan ng isang babaeng katulad ko ay baka winaksi nya na ang buhay nya.

Pero para sa akin di yun ang solusyon upang malutas ang aking problema. Never pumasok sa isip ko ang magpakamatay dahil alam kung wala akong kasalanan. Aksidente ang nangyari sa kaibigan ko.

May pamilya akong gustong iahon sa kahirapan. Ayaw ko nang makitang nagtatrabaho sila sa bukid o nagtitinda sa palingke.

Pero dahil sa nangyaring aksidente pati pamilya ko ay kinamuhian na rin ako. Masakit isipin na yung pamilyang gusto mung iahon sa kahirapan ay gusto kang mawala sa buhay nila.

Pero mahal ko sila at pinapangarap kung mahalin din nila ako gaya ng dati.

Sa bawat umagang babangon ako sa aking higaan ay ang mapait na umaga ang gigising sa akin.

Pero di ko hahayaang makita nilang mahina ako. Kaya babangon akong naka ngiti at pagsisilbihan sila.

Ipagluluto at paghuhugas ang gagawin ko sa umaga upang ipaghain at silbihan sina ama, ina at ang nag-aala prinsesa kung kapatid na si Tiffany. Panlalaba sa gabi ang naging trabaho ko upang may mabaon ako.

Psychopath Obsession (FIANCÉ SERIES 02) Where stories live. Discover now