08 PSYCHOPATH OBSESSION

554 15 4
                                    

TRIGGER WARNING : This story contains typo graphical errors /wrong spelling and/or Grammatical errors.

CHAPTER 08

***


NASSANDRA POV.

      ISANG Linggo na ang nag daan at halos idestansya ko na ang aking sarili kay Clyde. Iwan ko parang mas nakakatakot sya ngayon, everytime na nagsasalubong ang tingin namin sa isa't isa ay pawang galit ito.

Nakakapag taka na din si Jahra dahil sa tuwing kakausapin ko ito ay lagi itong nagdadahilang may gagawin sya. Di ko narin nakikita yung mga kaibigan ni Clyde dito sa bahay, simula nung gumaling daw kasi sila ay pina alis na sila ni Clyde.

Balik sa dating pagiging loner na naman ang buhay ko dito sa Mansion. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng masungit na yun. Pero naiilang na ako sa presensya nito. May kung ano kasi akong nararamdaman para sa kanya na hindi ko naman mapangalanan.

“Hija?! Labas labas ka naman. Kanina ka pa dyan nag mumukmuk, e.” Sigaw ni Nanny sa labas ng aking kwarto. Sa loob ng isang linggo laging ganto ang nangyayari. Tatawagin ako ni Nanny sa labas para daw hindi ako mag mukmuk dito.

Pero sa tuwing lalabas naman ako mas lalo lang akong nababagot. Walang nag babalak na makipag usap sa akin si Nanny naman ay ayaw kung gambalain dahil napapadalas na ata yung pag atake ng sakit nito, seguro dahil narin sa katandaan nya.

Si Clyde naman ay laging busy sa Kompanya nya.
Kung dati ay madalas ito kung makabuntot sa akin pero ngayon ultimo pag uwi ay hindi ko na nakikita. Iisa lang nga kami ng kwarto ng tinutulogan pero nakakatulog nalang ako kakahintay sa kanya. Hindi ko rin ito maabutang katabi matulog sa umaga dahil narin siguro nagmamadali syang mag trabaho.

“Mamaya na po Nanny! ” Pasigaw na sabi ko dito.

Nandito kasi ako sa dati kung Kwarto na study room ko na daw ngayon. Madaming librong binili si Clyde sa akin nung nakaraan. Pampalipas oras ko na din. Minsan gusto kung tumakas nalang sa malaking mansion na toh. Pero saan naman ako pupunta? Wala na man akong mauuwian dahil ayaw nga sa akin nina Ama at ina.

“Hija, labas na kasi. Papauwi na daw si Clyde... Magagalit yun pag narito ka na naman sa silid na toh.” Nag susumaong wika ni Nanny.

Napabunting hininga nalang ako at napatayo sa inuupuan ko.

Namumutla na yung balat ko dahil nga hindi na ako lumalabas at inaarawan.

Tipid na ngumiti ako kay Nanny at sabay na kaming tumungo sa kusina.

“Upo ka muna dyan Hija.” Wika nito sabay turo sa isang upuan sa quanter table.

Umiling lang ako dito at tumungo sa pwesto nito.

“Ano po bang gagawin nyo Nanny?”

“Mag luluto ako para sa pananghalian nyo mamaya ni Clyde.” Kasyuwal lang nitong sabi.

“Tutulungan ko nalang po kayo Nanny” Wika ko dito. Kumuha ako ng kutsilyo para hiwain yung mga sahog na naka prepare na sa lamisa.

“Nako hija... Ako na dyan. Baka maabutan tayo ni Clyde dito at ako'y malalagot roon.” Sanaysay nito sa akin.

“Di po iyan Nanny. Baka pag dating nya ay tapos na po tayong mag luto.” ginamit ko yung Charm ko para ma papayag ito. In the end ay hindi na sya  umangal pa.

Busy kami sa pag luluto ng biglang may nagsalita sa aking likuran.

“Nanny? Gusto nyo po bang tulongan ko po kayo dyan?” Boses iyon ni Jahra. Napatingin ako sa kanya at tila nagulat pa ito sa akin ng makita akong narito sa kusina.

“Narito ka pala Young lady.” Bahagya itong yumuko at ngumiti sa akin bilang pag bati.

“Nass nalang Jahra.” Pagtatama ko sa sinabi nito.

“Ahhh hehehe sige Nass.” Naiilang na pahayag nito. “Tulongan ko nalang kayo dyan.” Dugtong nito sa sinabi.

“Sige bah, Girls bonding ba toh? Heheh” Nae-excite na sabi ni Nanny.

Nag kukulitan kami sa kusina. Natatawa pa kaming tatlo dahil naluha kaming dalawa ni Jahra sa sibuyas. Yung harina na dapat ay para sa manok na ifa-fry namen ay napunta na sa aming mukha.

Halakhakana na namen ang maririnig sa kusina. Si kuya Eric ay wala ngayon dahil day off nya kaya sulong sulo naming tatlo dito.

Hindi na din gaanong naiilang si Jahra sa akin di gaya dati na halos di ako kausapin nito sa subrang ilang nito.

Napatigil ang aming kulitan ng biglang may mag mura sa aming likuran. Alam ko kung sino iyon sa lamig palang ng boses nito na kahit kalmado ay kikilabutan ka pa din.

“F*ck! What a disaster!” Sigaw nito na nag pataas ng balahibo naming tatlo. Nanlalamig ang aking palad sa kaba. Dahan dahan pa kaming huparap sa kanya at halos sabay lang naming ginawa iyon.

Namumutlang humarap kami sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na subrang kalat na pala dito. Yung harina ay nagkanda tapon na sa sahig. Yung ibang balat ng gulay ay nagkalat na din sa quanter table pati sa sahig.

Para kaming tinakasan ng dugo sa subrang putla namen. Sino ba namang hindi, galit ang expression na makikita mo ngayon kay Clyde.

Yung ibang kasambahay ay napapadukwang na din sa kusina... Chismusa yarn?!

“Why you're here Nass?” Malamig at may diing wika nito.

“Ahh kasi T-Tinulongan lang namen  si Nanny sa pag luto d-dahil day off ni kuya Eric n-ngayon.” Nauutal na sabi ko dito.

“Tsk! Prepare our food Nanny.” Mahinahon na nitong sabi.

“Come here Nass.”

Nagdadalawang isip pa akong lumapit sa kanya dahil ang dungis dungis ko ngayon. After one week ngayon ko lang uli sya nakita.

Nang makalapit ako dito ay agad akong pinaupo nito at masuyong  pinunasan ang mukha ko na puno na ng harina, gamit ang handkerchief nya.

“I miss you Honey.” Wika nito sabay halik ng noo ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin o eri-react ko kaya I remained silent.

Napatingin ako sa mukha nitong tila pagod at haggard na haggard pero kahit ganun ay ang gwapo nya parin.

Nakasubsub ang mukha ni Clyde sa aking leeg ng maglapag si Jahra ng pagkain sa lamisa. Napatingin ito sa akin at tila may pinapahiwatig ang tinging iyon sa akin. Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata nito pero hindi dahil sa saya Kundi dahil sa.... Luha?

What's that tears for?

Tila may pinapahiwatig ito ngunit hindi ko ma defined kung ano.

Tatanongin ko sana sya ngunit nagmamadaling umalis ito. Ano ba talagang pinapahiwatig mo Jahra?

______________________________________

Author's Note: Sorry if ngayon lang ulit naka UD. Every Wednesday and Saturday nalang po ako mag Update... If ever na hindi ako maka UD naman sa Wednesday ay isasabay ko nalang sa Saturday and Sunday... Mahirap po kasing isabay sa Face to Face class lalo na pag whole week yung klase namen... Hope you will understand po. Enjoy Reading Every1 <3
______________________________________


***

PSYCHOPATH OBSESSION

Copyright _ 2022 Wattpad ©️KMworks

All rights reserved 2022!

***




COMMENT |VOTE
TOXICPHILIPPINES_CAT

Psychopath Obsession (FIANCÉ SERIES 02) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα