07 PSYCHOPATH OBSESSION

562 14 4
                                    

TRIGGER WARNING : This story contains typo graphical errors /wrong spelling and/or Grammatical errors.

CHAPTER 07

***

NASSANDRA POV.

      “Hija bat ikaw ang gumagawa nyan.” Tanong ni Nanny ng makita nya akong naghuhuhagas sa kusina.

Pagkatapos ko kasing kumain ay ako na ang nag volunteer na mag hugas ng pinggan since may inaasikaso daw si Jahra sa labas. Na late kasi ito ng gising kanina kaya hindi sya nakapag linis sa labas ng pool Area at nakapagwalis roon.

Okay lang naman sa akin. Mas mabuti nga ito ng may gawin naman ako. Kung pupwede ngang mag apply na din akong katulong ay ginawa ko na. Hindi ka na nun bored, magkaka-pera ka pa.

Ayaw kasi akong palabasin ni Clyde pagkatapos kung makapag  graduate hindi tuloy ako nakapag apply sa pweding trabaho na mapasukan ko.

“Nako Nanny okay lang po na ako ang mag hugas nito.” Di talaga ako sanay na may naghuhugas o nagaayos ng mga pinag gamitan ko.

Nasanay na kasi ako na pagkatapos kung gamitin ay ako din ang mag liligpit nun. Kung hindi sampal at sabunot ang matatamo ko sa kanila.

“Nako baka makita ka ni Clyde na gumagawa nyan. Lagot tayo nyan sige ka.” Pananakot ni Nanny sa akin.

“E'di wag tayong mag pakita...”

Agad ako nitong sinamaan ng tingin. Mamamalo ka na ba nyan Nanny?

“Ito naman si Nanny di mabiro, patapos naman na ako, e.” Wika ko dito.

“Ohh sya, samahan na kita sa paghuhugas dyan.” Inagaw na nito sa akin ang pinggan.

“Ako na nga po nanny, kakagaling nyo lang po sa sakit... Baka mabinat ho kayo nyan.” Nang aalalang pahayag ko dito agad ko ng kinuha ang pinggan sa kanyang kamay at pinagpatuloy na ang paghuhugas ng pinggang pinag kainin namin ni Clyde.

“Haisshh! Tigas talaga ng ulo mung bata ka.” Naiistress na nitong sabi.

Minadali ko nalang ang paghuhugas dito.

***

HINDI na ako mulling pinapasok sa library ni Clyde. Para tuloy akong kawawang pusa rito. Wala na yung mga minamahal kung libro, pano na ako mabubuhay nito? Pano?!

Si Nanny naman namalingke, sasama sana ako pero nasa gate palang ako hinarangan na kaagad ako ng mga bodyguard ni Clyde.

Kaya nandito ako ngayon nagmumukmok sa Garden. Kausap yung mga halaman. Call me weird pero na kasanayan ko na itong gawin.

Nabaling ang aking atensyon ng biglang may lumusong sa pool. Makikita mo kasi mula rito ang pool area na kasing lawak lang ng upang kinatitirikan ng aming bahay sa nayon. Napaka garbo nitong tignan dahil sa nga materyales na gawa rito. Gawa kasi ito sa makakapal na glass nasa ibang bansa pa ata binili.

Rinig mula rito ang tampisaw ng tubig. Ngunit hindi ko man lang mamukhaan kung sino yung maliligo roon.

Di ko na rin nakikita pa yung mga kaibigan ni Clyde iwan ko pero mukhang iniiwasan nila ako. Well, sanay na akong iwasan noh... Ngayon pa ba ako madidismaya.

Tanaw ko rito ang biglang pag ahon ng isang maskuladong lalaki. Likod palang alam ko ng si Clyde... Bukod sa Bungong naka tattoo sa kanyang likuran ay ka pansin pansin parin ang muscles sa braso at binti nito.

Bahagya pang napakunot ang akong noo ng biglang dumating si Jahra na may bitbit ng putting tuwalya. Hindi naman ugali ni Clyde na may nagsisilbe sa kanya. Kaya di na ako nagtaka ng biglang iwaksi ni Clyde ang towel sa kamay ni Jahra.

Masamang tiningnan ito ng lalaki. Pero parang natakasan ng dugo si Clyde ng may ibulong ito sa Kanya.

Ano bang meron sa inyong dalawa?


␈✞︎☠︎︎✞︎␈

PSYCHOPATH OBSESSION

Copyright ©️ 2022 Wattpad ©️KMworks

All rights reserved 2022!

***

COMMENT |VOTE
TOXICPHILIPPINES_CAT

Psychopath Obsession (FIANCÉ SERIES 02) Where stories live. Discover now