21 PSYCHOPATH OBSESSION

500 11 9
                                    

TRIGGER WARNING : This story contains typo, graphical errors /wrong spelling and/or Grammatical errors.

______________________________________________

N/A: Madami pang chapter na susunod. Don't worry mga langga Hahaha... Btw, Happy 60k views sa 'Engage with the unknown guy-Fiancé Series 01 and also Happy 500 followers with all your overwhelming support, salamat kaayo <3 Enjoy Reading po.
______________________________________________

***
CHAPTER 21
***

NASSANDRA POV.

NANGHIHINA ang aking katawan at parang namamanhid ang aking likuran. Napadilat ang aking mga mata sa isang puting pasilya. Labis na pangamba ang namuo sa aking pandama, nang makita ang halos puti ng aking nasisilayang kinaroroonan.

Isa lang ang pumasok sa aking isipan, ako bay narito sa mundo ng walang hanggan.

Walang tigil na pagbuhos ng aking luha, walang humpay na nagsisibagsakan. Napahawak ako sa aking tiyan, malungkot na hinagod ito na may pagsamo. Hindi ko man lang ba sa kanya napakita ang ganda ng mundong aking parusa.

Hindi ko man lang naipakita sa kanya ang ganda ng kalikasang ang puong maykapal ang may gawa.

Napatingin ako sa isang sulok kong saan naruroon ang tunog. Tunog ng aking buhay na puso, mapait ako napangiti. Isa lang ang dahilan noon.

Buhay pa ako.

Ngunit nilukob ng pangamba ang aking puso ng himasin ko ang aking sinapupunan. Sana nariyan ka pa, sana di ka bumitaw gaya ng pagbitaw ng mga taong mahahalaga sa akin.

Balak kung umupo, ngunit sa kunti kung galaw. Kapalit naman ito ng milyong milyong hambalos ng sakit ng aking likuran.

Napatingin ako sa pintuan ng tumunog ito, patunay na may taong papasok.

"Ijah?" Malamyang tawag nito sa akin.

Kahit hindi kaanong malinaw ang aking paningin dahil sa luhang walang tigil sa pagbuhos. Kilala ko at alam ko ang mga rinig na iyon ni Nanny Rebecca.

"N-nanny..." Paos na tawag ko rito.

"Ijah." Muling tawag nito sa akin na sinundan ng mahinang pag hikbi. "Patawag Ijah... Hindi man lang kita naipagtanggol sa kanya. Wala man lang akong nagawa kahit na sinasaktan ka na ni Jahra. Anlaki ng kasalanan ko sayo simula't sapol pa lamang." May bahid ng pagsisisi sa mga salita nito.

"N-nanny..."

"Shhh makinig ka sa akin okay... Inutusan ako ni Jahra na gumawa-gawa ng storya na ikukwento ko sayo. Hindi totoong mahal na mahal ni Master si Jahra, nagmakaawa sya sa akin na mag sinungaling ako sayo, parang naging anak ko na rin si Jahra kaya pumayag ako kahit labas sa kaluuban kung mag sinungaling sayo. Pero Nassandra, ikaw lang ang minahal at kinabaliwan ni Master Clyde, na kahit ang pag patay ay kaya nitong gawin mailigtas ka lang." Hinawakan nito ng mahigpit ang aking kaliwang kamay.

"Nassandra, ijah. Hindi totoong may anak si Master kay Jahra. Isang kasinungalingan iyon na subrang pinagsisihan nya. Wag ka sanang magalit at ipagtabuyan si Master dahil mahal ka nun, na kahit subrang pagod pa ito galing trabaho ay aalis ito patungong France para lang masilayan ka kahit sa malayo." Wika nito, mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi nito.

3 YEARS, tatlong taon nyang tiniis yun. Bakit di man lang ako nito nilapitan ng nasa France ito. Sana man lang nag explain ito sa akin bakit mas pinili nitong tanawin lang ako sa malayo? Naba baliw na ako sa mga rebilasyon ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

Ako'y naguguluhan, I don't know what would I do now. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako, magagalit, maiiyak.

Nakakabaliw.

"What did you do to her nanny? Why is she crying." Malalim na baritonong boses ang umaga ng attensyon ko.

Naguumigting na naman ang nga panga nito at salubong ang dalawang kilay, tila mapapaso ka sa nanlilisik nitong mga mata.

Nakakatakot ang mukha nito. Ngunit ng mapatingin ito sa mukha kung tila natatakot sa kanya ay biglang lumamlam ang ekspresyon ng mukha nito.

"Master Clyde." Bati nito na agad tumayo upang yumuko sa kanya pagpapakita ng galang sa amo nito.

"Can you leave as nanny." Hindi parin na aalis ang makahulugang titig nito sa akin. Isa lang ang nakikita ko sa nga mata nito. Pangungulila.

Agad namang sinunod ito ni nanny at mabilis na nilisan ang pasilyo.

Dahan dahan at may pagiingat na tinungo nito ang pwesto ko. Tila ba takot na baka sa kunting galaw nito ay mag panic ako.

Na baka may dulot ng truama ang nangyari sa akin.

"Can you help me take a seat. Hindi ko kasi maigalaw ang katawan ko, nangangalay na po ako." Nahihiyang suyo ko rito.

Kanina ko pa dapat yan sinabi kay nanny kaso mabigat ako lalo pat wala talaga akong control ng katawan ko at baka sumakit lang likod nito, makaupo lang ako.

"It's my pleasure." Matigas na sagot nito. Wala bang mas lalamig sa boses nito. Nakakapanghina e.

Maingat ako nitong iniupo. Napangiwi pa ako ng mahawakan nito ang likuran ko.

"I'm sorry." Hinging patawad kaagad nito na ipinag taka ko. "I promise it won't happened again." Masuyo nitong hinalikan ang tuktuk ng aking ulo. Hinaplos naman ang aking puso sa simpleng ginawa lang nito.

Inayos nitong mabuti ang unan sa aking likuran ng biglang pumasok ang doktora na may dala dalang papel. I think mga resita ang nakasulat doon.

"What's te result of her test Doc?" Agad na tanong ng katabi ko. Pasimple pa nitong hinawakan ang aking kaway, ilalayo ko sana ito ng higpitan nya ito. Nakakahiya kay doc. Baka anong isipin nito.

"Are you her Husband, Mr. Damian?" Nakangiting tanong nito sa katabi ko. May katandaan na ito pero di parin maalis sa mata ng doktora ang paghanga nya sa lalaki.

"No---/Yes!" Sabay naming wika. Sinamaan ko nalang ito ng tingin pero matamis na ngiti lang ang iginawad nito.

Wag kang marupok Nassandra.

"Haha ang kyut nyong nag asawa. Pero maiba tayo Mr. Damian, kailangang maipatingnan natin ang kalagayan ng iyong partner sa Psychologist para ma sigurado natin kung nagkatruama ba ito o hindi. Kailangan din ni Ma'am na magpahinga ng 3 Linggo lalo na't hindi sya pweding bigyan ng resita, vitamins at ointment lang ang pupwedi sa kanya---"

" What the Hell? The reason why I bring her to the hospital to give her some pain killer or any medicines for her bruises!" He shout at her.

"Pero Mr. Damian. Di po puwending basta nalang painumin ito ng antibiotics. Makakasama po ito sa kalusugan ng mag ina nyo." The Doctor said. Na nagpagulat sa amin. Kahit alam ko, kahit di man sabihin dama ko na talagang meron ngunit nakaka gulat paring malaman na totoo nga talagang may buhay sa sinapupunan ko.

Halos hindi na maka galaw ang katabi ko sa gulat.

"W-what?"

***
PSYCHOPATH OBSESSION

Copyright ©️ 2023 Wattpad ©️KMworks

All rights reserved 2023!

***









COMMENT |VOTE
TOXICPHILIPPINES_CAT


Psychopath Obsession (FIANCÉ SERIES 02) Where stories live. Discover now