Ayin

49 2 0
                                    

꧁꧂

Matagal na, noon pa
Ako'y walang salita
Hindi mo rinig, Ayin
Dahil ako'y duwag din

Malakas kong pumorma
Pero may alam ka ba?
Malamya akong tao
At dahil lang 'yun sa'yo

Kasing-bait ng santo
Ikaw iyan, mahal ko
Hindi binalewala
Anghel kang pinagpala

Pasensya na, santan ko
Isang magandang tuno
Sana'y galos mo'y wala
O Ayin, mahal kita

A Poet's DiaryWhere stories live. Discover now