Chapter 2

1.4K 21 4
                                    

Chapter 2

"Maaga pa ah?" Napatigil si ninong sa paglilinis ng mga bagong gawang lapida. "Mag-a-alas sais pa lang ng umaga."

"Ninong. . . it's better to arrive early than late."

Tumayo siya't kumuha ng pera sa bulsa. "Kung sakaling gutumin ka. . ." masiglang tinanggap ko ang limang daan.

"Salamat po ninong. . ." niyakap ko siya.

"Aral muna bago landi, ha?"

Natawa ako. "Wala po akong plano sa ganiyan. . ."

Umiling siya. "Mahirap na baka madala ka sa tukso, marami pa namang maharot diyan."

Lagi nilang pinapaala sa 'kin 'yan, alam ko ang puno't-dulo kung bakit pero nakakarindi na rin minsan. Daig pa nito ang alarm clock sa utak ko, pakiramdam ko tuloy wala silang tiwala sa 'kin.

"Ninong! Study first kaya ako!" Kumalas ako sa yakap.

"'Nak ha? H'wag tatanga-tanga, h'wag gagaya sa mga magulang mo—"

"Isusumbong kita kay papa ninong!" Natawa siya, napangiti ako. "Mauuna na po ako, hindi po ako magtatagal."

Tumango siya at naglinis muli. Pumara ako ng jeep at sumakay. Balak kong umuwi agad after ng orientation para umalalay kay ninong.

Ilang saglit pa nakarating na ako sa university. I stopped for a moment and inhaled the remaining air of my freedom before my life will be tied with hectic activities and deadlines.

Sobrang laki ng university. Gate palang kita na building ng each departments na aakalain mong luxurious condominium.

College.

They say high school life is the best, but in those years, all I faced was work, activities, family, and loneliness, which is partly my fault for being aloof.

I hope college life will be good for me.

Sana masaya ang mga ala-alang mabubuo ko rito to the point na gusto kong balik-balikan. I know that in this stage, I'll meet countless people with beliefs that differ from mine. This phase might mold me into a completely different person, but I hope it's in a good way.

Siguro 'yung mga introvert like me, dito na namin mararanasan na maging sociable at mag-initiate ng conversation.

Sira ata pagiging lowkey ko rito.

Now, where can I find a friend when people tend to leave me as I have a boring life?

Maybe I should do what my brother said. Hindi naman siguro nila maiisip na weird ako, right?

Oh c'mon! Self! Stop the isolation and start socializing already!

Napailing ako hanggang sa napadpad ang tingin ko sa babaeng papasok palang ng gate. Ang amo niya tignan, para siyang bata na namamangha at inuusisa ang paligid.

She has this warm aura and soft angelic features. May mga napatingin din sa kaniya dahil ang cute at ang ganda niya.

She took a different path, and later on, I found myself laughing with her.

She has a unique name, Yeishabelle.

I initiated the conversation, and we talked about our courses. I laughed because I felt silly for choosing our first topic. She only looked at me. Hey! Don't blame me, hindi ako sanay.

Eventually tumawa siya pero mahahalatang pilit, hindi ko tuloy mapigilan na mas lalong matawa. I felt her genuine concern for my image.

Then I asked her kung magkakajowa siya ng Prof ano'ng subject ang gusto niyang tinuturo nito. She wants someone who's good in english 'cause she's into poetry. Baka raw makatulong sa kaniya 'yung tao na 'yon.

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now