Chapter 14

1.7K 30 5
                                    

Chapter 14

Friendly match na namin later habang ang mga department na nag-ensayo dito kahapon sa court ay nasa ibang venue na, bale salitan lang.

Stretching muna ang pinagawa sa 'min lahat, ang coach nila Eira ang nag-lead habang si Sir Ramos naman ay nasa gilid, kumakain.

Kanina ko pa hinahanap si Natasha pero hindi ko siya mahagilap. Hinintay ko rin ang message niya kahapon after namin nakauwi pero ni-isa ay wala akong natanggap, nagpaload pa nga ako ulit just to reply pero nakatulog na lang ako kakahintay, wala talagang dumating.

I want to know if she's okay, baka may nangyari sa kaniya kaya wala siyang paramdam. Gustuhin ko man na tumawag ay hindi ko magawa baka kasi busy siya, baka tulog na, o baka lumubo ang battery niya kaya 'di na siya nakapag-message.

Ang daming scenario na pumapasok sa isip ko pero ayaw kong isipin na umayaw na siya after ng naganap sa 'min. Natatakot kasi ako.

"Tama na kakalingon teh, mag-focus ka muna sa training." Natatawang sabi ni Ches, umirap ako.

Wala ako sa mood makipagbiruan, kasalanan 'to ni Ash! After ng halikan hindi ako paninindigan? Wala talagang message ni-isa? Hindi naman siya ganito dati e! Siya pa nga laging nangungulit!

I frowned.

"Baka busy si miss kaya wala siya ngayon, I heard kayong dalawa lang daw ang nag-training? Ano, may nangyari ba?" Mapanuksong ngumiti si Ches. Nagliyab ang pisnge ko, her eyes widen.

"So meron?" She whisper-shouted, umiling ako at pilit na iniwasan ang tingin niya. "Your face says it all, mag-kwento ka!"

Napapikit ako ng mariin. Alam kong hindi niya ako tatantanan hangga't wala siyang nalalaman. Hindi na kami nakasunod pa sa ginagawa ng iba!

Umusog ako palayo pero ang gaga sumunod din sa 'kin, ang ending para kaming tanga na naghahabulan habang ang ibang players ay nanonood sa 'min. 

"Mendoza and Garcia! Stop playing around! 100 squats! Now!" Sigaw ni coach. Napatayo ako ng maayos sabay siko kay Ches na medyo hinihingal.

"'Yan ang purpose natin kaya tayo nandito 'di ba? Ang maglaro?" Sabi ni Ryue. Ches smiled at her in an apologetic way, inirapan lang siya ng isa. 

"I agree, sir can we start some drills na? Kanina pa po kami nag-stretching e." Sabi ni Eira. Mabuti na lang at nagsalita sila kasi kung hindi malalagot talaga kami. 

Ang isa kasi hindi makapaghintay sa chika! Saka wala akong balak na ikwento 'no! Lalo na't wala pa kaming label. Geez! May kiss na naganap but walang kami, ngayon ko pa lang talaga narealize!

Wala ng nagawa si coach kundi sumang-ayon sa kanila, may friendly match pa mamaya, baka maubos ang oras namin sa drills at sa stretching. 

Gaya ng pinaggagawa namin kahapon ni Ash, ito rin ang pinagawa sa 'min ni coach, pero may dinagdag. May setter na magpapasa ng bola habang may nakalinyang players patungo sa net para mag-spike at kami namang mga libero, nasa kabilang side ng court, sinasalo ang mga bola. 

It was fun but exhausting, wala kasi kaming rest. Namumula na ang mga kamay ko dahil ang lakas mag-spike ng players, pero napabilib ako nang makita kung gaano kataas ang talon ni Ches pati na rin kung gaano kalakas ang pagpalo niya ng bola. Si Eira naman precise masyado as a setter. Excited na tuloy ako for our match later and sa thursday!

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now