Chapter 12

1.6K 22 6
                                    

Chapter 12

"Ches what's going on? Bakit ako lang ata ang naiiba sa inyo ngayon?" I put my bag in the chair.

Pagpasok ko sa building halos lahat ng architecture students same ng suot, naka-pula.

"Wow naman Azariella! Napaka-good student naman! Kahit may event naka-uniform!"

"Kurt pakyu!" Sagot ni Ches. "Huwag mo pansinin si Kurt, may gusto lang 'yun sa 'yo. By the way hindi mo ba nakita ang text ko kahapon?" Tumigil siya sa pag-make-up.

"Meron ba? Wala akong natanggap." Marahan akong umupo.

Her brows furrowed. "May event ngayon. . . hindi mo alam?" Umiling ako. Akala ko ba 'yung event is ang pag-alis nila Belle? May event pa pala?

"Labanan ng departments for an entire week. Don't worry opening pa lang ngayon, parade lang ang gagawin mamaya, after that pupunta na tayo sa venue na sinalihan, saka two days pa bago ang paligsahan." Niligpit na niya ang make-up kit.

"Parang intrams?" She nodded. "E 'di ba dapat tuwing malapit na matapos ang school year gaganapin? 'Yun ang nasa handbook."

"Tama ka, ewan ko ba sa pakulo ng mga guro."

"March ang gagawin, required ba mag-make up?"

Natawa siya. "Malamang! Ang iba nga kahit earth quake drill may pa-liptint at pulbo muna bago lumabas." Napailing na lang ako.

She turned her whole body to me. "Nilista ko rin pala pangalan mo for the volleyball team. 'Di ba sabi mo nakapaglaro ka naman din no'n dati?"

Nanlaki ang mata ko. "Poster making nalang sana! Or mural! Hindi ako volleyball player."

"But sabi mo—"

"Ilang taon na 'yun my gosh! Saka more on indoor activities ako Ches, sana sinabi mo muna sa 'kin para aware ako."

I played volleyball before pero dahil lang 'yun sa event sa church which is youth camp. Now that I remember, ilang taon na rin pala akong hindi nakakapagsimba.

"Sorry na. . . may seniors naman tayong players saka, hindi ko naman naisip na ganito magiging reaksyon mo, akala ko nga matutuwa ka since matagal ka ng hindi nakapaglaro. I just want you to engage more."

Napairap na lang ako sa kawalan. Wala na akong magagawa since nalista na pangalan ko. She has a point though, pero baka hindi na ako mabilis gaya ng dati. And! Madali na akong mapagod kasi puro na ako upo.

"Saan kukuha ng shirt?"

"Sa faculty, samahan na kita." Sinarado niya ang bag. Hawak niya ang kamay ko at nauunang naglakad. Iniwan namin ang bags sa room since wala namang mahalagang gamit na makukuha ro'n.

"Oh, sabi rin ni ate Eira sabay tayo for lunch later, ano free ka ba?" Nasa hallway na kami, aakalaing araw ng mga puso dahil sa napapalibutan kami ng mga naka-pula. Buti na lang sakto ang kulay sa favorite ko.

"Oo, wala naman akong ibang kasamang kumain e." Binigyan niya ako ng mapanuring tingin. Do I look like I'm lying?

My phone buzzed.

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now