Chapter 9

1.2K 19 1
                                    

Chapter 9

"Wala na atang katapusan ang delubyo na 'to, buhay ko na lang ata matatapos dito." Umiiling na sabi ni Ches.

Natawa ako. One week na nang maipasa namin ang PETA, ngayon gumagawa na naman kami ng plates for our Midterm which is individual.

Magkatabi kami't-nakatayo, kanina pa siya puro reklamo. Ang gulo rin ng buhok niya, mahahalata talagang stress.

Ang naging ganap sa room puro hiraman ng gamit; tipong kakalagay mo pa lang ng ruler pag-lingon mo nasa kabilang row na.

Konting blending na lang din naman ang akin at matatapos na ako; siniguro ko kasing maaga ako makapasa kahit na magpuyat pa ako. Ayaw kong mag-procrastinate, at ayaw ko na kung kailan malapit na ang pasahan saka pa ako mag-papanic sa paggawa, mas sanay akong pressured sa umpisa then next kalmado na.

Natasha ghosted me. And to divert my attention, I poured all my energy into my plates.

"Gusto ko na lang maging hotdog!" Umupo siya sa bangko at naghalumbaba. "Hindi ka pa pagod kakatayo?"

I shook. "Malapit na rin naman ako,"

"Chill ka lang. . . buti ka pa." She sighed.

Kung alam mo lang ang pagpupuyat ko Ches.

"Gusto ko na lang maging hotdog tapos tamang chill lang sa ref."

"Tapusin mo na kasi 'yang plates mo, hindi ka pa nakakalahati pero puro ka na chika." I continued blending.

Natapos ko na itong design noong isang araw pa, gusto ko lang ayusin ang shading para maayos at mas presentable tignan.

"Namumulubi na ako sa kurso natin," binitawan ko ang lapis sabay stretch. I turned to her. "Hindi kasi ako humihingi kina mommy for materials, they have a scholar at ayaw ko na makadagdag sa gastusin."

"They're your family bakit ka nahihiya?" I didn't expect na may ganitong side pala si Ches. Saka bakit ganiyan siya mag-isip?

"May scholar kasi sila, saka nakakahiya kaya bumagsak and then. . . humingi, alam mo 'yun?"

I shook. Paano ko malalaman e wala naman akong ina para mahiya sa kaniya. "Are they comparing you to them? Their scholars?"

"No. . . but it feels like there's some sort of competition." She smiled plainly.

"Walang kompetisyon sa pag-aaral Ches, you can ask for money sa parents mo if need mo." Hindi naman siguro makakaramdam ng ganito si Ches not unless someone said something to her that made her think like that.

I don't want to interfere in their issues, but I'm concerned about my friend. She can ask her parents for money, but she doesn't want to. How lucky. That's the thing that I wish I could do.

"I'll try. . ." iniwas niya ang tingin at gumuhit na ulit.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na sa pag-b-blend. Kung dati presko at maayos tignan ang hitsura namin ngayon kita na ang pagod at puyat; puro bulungan, hikab, and amoy kape na rin ang room until tumawa ng malakas si pres kahit siya lang mag-isa. Panay pa ang palakpak.

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now