Chapter 7

1.2K 13 0
                                    

Chapter 7

"Groceries?" Siya mismo ang kumuha ng number sa baggage counter para sa materials na binili ko. 

Umabot ata ng isang oras ang pag-iikot namin sa mall dahil hindi available 'yung iba, palipat-lipat tuloy kami ng stores.

"Yeah. . ." pagod na ako kaka-lakad. Mas sanay kasi akong nakaupo buong maghapon para sa pagpipinta.

She handed the number. It's four, agad ko itong binalik sa kaniya. "Pwede ikaw humawak?"

"Why? What's with the number four?"

"Nothing,"

Confusion crossed her face. "Seriously, what is it?"

"I don't want to talk about it. . . for some people it's their lucky day, their birthday, or the happiest moment in their life. To share my thoughts about that number with someone feels like I'm ruining some people's greatest events."

We're on our way to the supermarket. Nasa gilid ko siya. Akala ko iiwan na niya ako after ng ilang pag-iikot pero nakatiis siya sa pagod.

"But we're not talking about them, we're talking about you. Your story."

Umiling ako. "It's not that easy,"

"I'm all ears,"

"I don't like number four."

"Why?"

The guard greeted us nang papasok na kami, siya mismo ang kumuha ng cart.

"It's the date my mother abandoned me."

Tuluyan kaming natahimik. Panay ang tulak niya ng cart habang ako ang naglalagay ng products.

I never thought that I'll be able to share that date to her, kahit si Eira hindi alam ang bagay na 'yon.

"Remember this," she broke the silence between us. "Four times."

Natigil ako sa paglalagay ng oil sa cart. "Huh?"

"There will be a time that someone will confess to you for about four times."

Kumunot ang noo ko. "Sino naman ang tanga na apat na beses mag-ko-confess? Kung kailangan na apat na beses niyang sabihin ang nararamdaman, it only means I'm not convinced with that person's confession with the first ones."

She frowned. "Maybe for you to remember that person each time you encounter a number four."

"Malalim ang sugat, imposibleng matakpan. . ."

Nagpatuloy kami sa paghahanap ng iba pang pwedeng isangkap sa pagluluto. Naubusan na kami ng toyo ni ninong, parehas kasi kaming mahilig gumawa ng sawsawan, kaya hindi ako nagdalawang-isip na bumili.

"Tired already?" Naglagay din siya ng kaniya sa cart. Guess she's also out of stock.

"A little bit, nakakapagod gumala." I whispered the last words, pero alam kong narinig niya kasi marahan siyang natawa.

It's exhausting to be out in public for hours. We're only here to buy, but I feel exposed, and it drains my energy.

"You're really an introvert aren't you?" Walang pasabi niyang hinawakan ang kamay ko.

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now