Chapter 5

1.3K 13 3
                                    

Chapter 5

"Ang ganda ng pagkakagawa ng buildings Jin 'no?" Panay flip si Ches ng magazine kahit na may klase, buti na lang at hindi siya nakikita kasi nasa dulo kami.

Nakahalumbaba ako't nakatingin sa keychain ng bag ko na nakasabit sa upuan. Kahapon lang nangyari 'yung pag-amin niyang interested daw siya sa 'kin. First time kong masabihan no'n kaya hindi ko alam ang i-re-react.

Hindi rin ako sumabay sa kaniya pauwi kahit na mapilit siya, nilalamig man ako pero ininda ko. Buti na lang hindi ako nilagnat! Naiirita kasi ako sa kaniya!

People who think marriage is just on the paper ick me the most! Especially those people na ang tingin sa relasyon ay laro-laro lang. Okay lang sana kung walang sanggol na mabubuo e!

Yet out of all the things she said, isa lang ang naging dahilan bakit hindi ako nakatulog.

“I feel alive only when I'm with you. . .”

Ano kayang ibig niyang sabihin diyan? She looks broken as I am. Maybe she seeks for companion, pero bakit naman ako? Kasi adorable!? 

Hayf na rason 'yan! Adorable na pala pagiging traumatized ngayon.

"Tapos ang curves ng building grabe! Bet na bet ko talaga kurso natin." Parehas kaming puyat ni Ches, siya dahil sa project, ako dahil kay ma'am.

Buti na lang madaldal si Ches, hindi ko na kailangan pang mag-kwento, baka kasi ang ganap kahapon ang masabi ko.

"Ms. Zaha Hadid, the unrivaled architect woman for me." She turned to me. Our professor in front is busy with the history of architectural design. 

"Alam mo? Someday balak kong maging katulad niya," she swayed her hand elegantly. Hinawakan ko siya para pigilan ang kamay. 

Ang hilig niya sa hand gestures! Baka mahuli kami!

"Mahuli tayo huwag kang papahalata." She gave me her crooked smile. Marahan niyang hinaplos ang kamay ko na para bang nang-aakit.

"Jusmiyo mahabagin kadiri ka!" I made a face. 

Ang akala ko masasaktan siya nang ilayo ko ang kamay, but then she only bursted into laughter. 

The whole class turned to us, even our professor. Her laugh echoed across the room to the point na nagising ang diwa ng antok kong mga kaklase.

Aakalaing hindi siya babae kung tumawa! Para siyang dolphin! 

Ayaw kong madamay kaya tinuro ko siya at sumenyas kay sir na wala akong kinalaman.

"Is there something funny Ms. Mendoza?" Our professor asked. 

"P-po?" Pigil ang tawa na tumayo si Ches. Ang pula ng mukha niya. Ang babaw ng kaligayahan!

"You look like a smashed potato," 

"Bakit po?"

"'Cause of the way you look, of course."

"Funny yarn?" She prolly got offended by what our prof said. Sino ba naman ang hindi.

"Stay after class!" 

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now