WAVE THREE

6.1K 166 36
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE THREE


Pagkatapos ng aking klase ay isinabay na ako ni Raven pauwi. Hinayaan ko nalang siya, paano ba naman kasi kahit anong tanggi ko may nasasabi siya.



Kesyo hayaan ko raw na mapatunayan niya ang sarili niya, ganyan ganyan. Hays sumasakit ang ulo ko.


Sumobra yata ng haba ang buhok ko.


Biro lang. “Oh ito na ang parte mo. Kailan ka ulit makakasama?” tanong ni kuya Yson habang inaabot sa akin ang limang daan na pera.



“Sa sabado kailangan kong maghanda ng mga gagamitin para sa isang linggo kaya baka sa linggo nalang kuya.” sabi ko rito.


Tumango ito at inalok sa akin ang isang plastic ng soft drink. I thank him for that at tinanguan niya lang ako.


“Kumusta na pala si ate Abby?” pagtatanong ko tungkol sa asawa niya. Ang alam ko ay malapit nang manganak ito kaya todo kayod rin si kuya Yson.


“Ayun masyadong makapaglihi sa mangga. Kaya sa tuwing umaga bago ako pumalaot kailangan ko pang umakyat ng puno.” iling iling na sabi nito.


Nang maubos ko ang aking inumin ay tinapon ko ito sa may basurahan. “Sige kuya uuwi na ako, wala pang pagkain sa bahay.” sabi ko at tumango lang ito.


Hindi naman ganon kalayo ang bahay sa palengke. Mga sampung minuto lang siguro kapag nilakad mo at kapag naman namasaheros ka tatlong minuto lang. Depende rin sa bilis ng pagmamaneho.



Habang naglalakad ako nakarinig ako ng ilang sigawan kaya napahinto ako. Napakapit ako sa malapit na puno sa akin.


“Ganon ganon nalang 'yon Tray!?” sigaw ng babae.


“Oh c'mon! I didn't know na se-seryosohin mo ako.” ani ng lalaki.


Pareho silang pamilyar. “Really!? Hindi sapat na dahilan 'yang sinasabi mo!” sigaw muli ng babae at this time napagtanto ko kung sino iyon.



“Eloiza, I don't have time for this so good bye.” nakarinig ako ng mga yapak kaya pilit kong itinago ang sarili ko sa puno.



Hindi naman na yata ako makikita nito hindi ba?



Nang wala na akong marinig na mga bangayan ay lumabas na rin ako sa puno. At ganon nalang ang aking pagtalon sa biglaang pagsulpot nung Trayvon.




“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito habang nakangiti. “H-ha?” nauutal kong tanong.



“Hatdog.” napangiwi ako sa sinabi niya. Iba rin ang isang ito, kung ano ang kinaseryoso ng kaibigan niya ay ganon namang kabaliktaran niya.



Inayos ko ang sarili ko at bumaling sa kaniya. “Don't worry hindi ko naman ipagsasabi ang mga narinig ko.” sabi ko.



“Dapat lang...alam mo ba kung sino ako? Hmm?” napa atras ako nang lumapit ito sa akin. Napatingin ako sa kaniya na may pagka irita sa mukha.



“Kidding. Ayoko pang mamatay hano.” medyo pabulong na sabi nito pero naintindihan ko naman. Really? This guy is weirder than Dark.



Ganito ba nangyayari sa mga tao sa Manila? “Mauna na ako binibini.” hinawakan pa nito ang kamay ko at saka hinalikan ang likod ng palad ko.



“Huwag mong sabihin na hinalikan kita riyan ha? Ayoko pang mawala, mababawasan ang guwapo sa mundo.” mayabang na sabi nito.


Kanina pa niya sinasabing ayaw pa niyang mamatay. Bakit ba!? Hindi naman ako killer ah?


Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now