WAVE FIFTEEN

4K 122 25
                                    

TAMING THE WILD WAVES: WAVE FIFTEEN






Dali dali kong tinanggal ang react sa picture nila at pinatay ang cellphone ko. “Hala siya, lagot ka Zyreen! Mamaya isipin no'n selos ka, tapos de-delete niya 'yon dahil ayaw niyang nagseselos ka tapos—” agad kong tinakpan ang bibig niya.






Napaka daldal!







“Hindi niya naman na siguro mapapansin 'yon. Malamang sa malamang marami ang nag no-notif sa kanya.” sabi ko.








Tinanggal naman niya ang kamay ko sa kanyang bibig at pinunasan niya iyon. I chuckled, napapala ng madaldal.






“Matulog na nga lang tayo. Inaantok na ako.” uminat inat pa siya habang humihikab. Humanda na kami sa pagtulog.






Medyo natawa pa nga ako dahil dinantay niya ang kanyang binti sa akin at niyakap pa ako ng mahigpit.







Ilang minuto lang siguro akong nakatulala hanggang saa hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.




***

NAGISING ako sa lumalakas na tapik sa mukha ko. Irita kong idinilat ang aking mga mata.








“Ano??” iritable kong tanong kay Kia. “Aba galit ang prinsesa! Bangon na at kailangan mo pang mag paalam kila tito at mamaalam sa pagiging teacher mo!” bumangon ako habang nagkakamot ng ulo.







“Oo na sige. Maliligo lang ako.” sabi ko at tumango naman siya bitbit ang kanyang cellphone.








Nakaligo na rin siguro ang berat. Mabilis akong nagtungo sa banyo para makaligo. Pagkatapos naman maligo ay nag suot ako ng pantalon at simpleng dilaw na t shirt.







Kinuha ko na rin ang bag ko na malaki kung saan ko ilalagay ang mga gamit ko papunta sa Manila.








Nang matapos ako ay napatingin ako sa mga gamit kong nasa loob ng bag. Ayoko mang umalis pero kailangan kong malaman ang katotohanan.







Ayoko man mawalay kila mama pero nandito na, hindi na ako makaka atras pa. Pinapangako ko, as soon as nalaman na nila babalik na agad ako rito.






Gusto ko lang naman talaga na malaman nila e, pagkatapos no'n ay aalis na ako. Tama, aalis na ako at baka hindi na bumalik pa roon.







Sapat na sa akin ang pamumuhay ko rito sa Zambales. “Oh anak—” napa igtad ako dahil sa biglaang pagpasok ni mama.







Nakita kong nakatitig siya sa mga gamit ko. Napatungo ako. Napatingin ako sa kanya nang makita kong sinasarado niya ang pinto pagkapasok sa aking kuwarto.









“Ma...” tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin ng seryoso ang mukha kaya akala ko ay magagalit siya sa akin pero nagulat ako sa mismong ginawa niya.







Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at kitang kita ko ang mga luhang nagbabadya sa kanyang mga mata.







“I'm sorry anak.” umiiyak na aniya. “Pasensiya ka na kung hindi ko agad sinabi sa'yo ang lahat.” sabi nito.







I sniffed and force a smile. “Ayos lang ma. Ang mahalaga alam ko na po ngayon.” sabi ko rito.







“Pero sana ay kahit ganito ang buhay natin rito hindi mo kami ipagpalit ng papa mo ro'n sa kanila.” sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.






Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz